Chapter 6: Patiently Suffered

167 8 0
                                    

I sighed a deep breath habang nakatayo sa harapan at nakatingin sa kabuuan ng bahay. Ganito pala kagaan sa pakiramdam kapag nagbunga ang mga pinaghirapan mo. Our old nipa hut is now completely a house. Inayos ko ang pagkakasabit ng dala kong shoulder bag at pinindot ang doorbell.



Ilang segundo akong naghintay ngunit walang lumalabas. Sumilip pa ako sa loob at mukha namang may tao dahil nakasindi ang ilaw sa sala. I pushed the doorbell once again hanggang sa bumukas ang pintuan. Nakilala ko naman agad si Rae na lumabas at naglakad papalapit sa gate.



"Sino 'yon?" sabay bukas niya ng gate.



"Ate Rae, ako 'to," masayang bati ko.



Saktong nakita niya ako at ang prente niyang mukha kanina ay napalitan ng pagka-masungit. Para bang takang-taka ito kung bakit ako nandito or maybe she didn't expect na bibisita ako ngayon dahil hindi ako nagsabi katulad ng ginagawa ko date.



"Ishee? Anong ginagawa mo rito?" pagkunot ng noo niya.



"Naisipan ko lang bumisita, ate— pero huwag kang mag-alala, sandali lang ako. Gusto ko lang kayong makita lalo na si mama at papa," nakatingin lang siya sa akin at saka pinag-krus ang mga kamay.



"P-Pwede ba akong pumasok?"



Hindi siya nagsalita at tumabi na lang so I assume, okay lang sa kanya ang pagpasok ko. Tinalikuran niya ako at naglakad papasok kaya ako na lang ang nagsara ng gate. Nahagip pa ng mata ko ang isang kotseng itim na naka-parking sa tapat ng bahay. Katulad ito ng nakita kong kotse kanina. I just didn't mind it, hindi lang naman iisa ang kotseng itim dito sa Pilipinas.



Naglakad ako papalapit sa pinto at pinihit ang doorknob. Mula pa lang dito, dinig ko na ang tawanan mula sa dining room. Paghakbang ko sa loob ng bahay, napatingin ako sa kabuuan nito. Hindi na ito tulad ng date na halos pasukan ng tubig-ulan ang bubong. May chandelier na rin na puti. Puti ang mga tiles at maayos na rin ang mga pader. Maayos na ang upuan na sofa at ang mga decorations nito sa lamesa. Mukha ngang bagong bili ang ibang gamit.



Muling nagtawanan sa dining room kaya doon napunta ang atensyon ko. Slowly, I took my steps papunta doon hanggang sa makita ko ang buong pamilya na sabay-sabay kumakain. Mukha ngang tuwang-tuwa pa sila. Tatlong putahe ang nakalapag sa babasaging lamesa.



Nandoon si mama, papa, ate Rae at ang bunso naming si Shea.



Habang tumatawa si papa ay napatingin sa gawi ko, "Pa?" bati ko na ngumiti. Natigilan siya. Ganon na rin sila mama. Biglang natahimik ang masayang bahay.



Una akong lumapit kay papa, "Mano po," kukunin ko sana ang kamay niya na inilayo niya sa akin.



"Kumain na kayo, mga anak," saad niya sa dalawa na parang wala ako rito.



Hindi ko na lang din dinibdib 'yon at lumapit kay mama, "Ma, mano po," hinayaan lang ako ni mama na abutin ang kamay niya kahit na ramdam ko na napilitan lang siya.



"Ate Ishee!" pagkaway ni Shea sa akin habang ngumunguya ng hotdog. Hawak niya pa ang tinidor sa isang kamay at may nakatusok na hotdog doon.



Nginitian ko siya, "Hello, bunso!"



"Tara, samahan mo kaming kumain dito! Nagluto si mama ng food," mga nasa pitong-taong gulang na ito. Ang lapad pa nga ng ngiti niya at medyo madungis na ang bibig.



Napatitig ako sa mga ulam nila. Chicken curry, hotdog at pansit. Bukod pa rito ay may salad sa gilid at isang piling ng saging. Kusa akong napalunok. Magmula kahapon ay hindi pa ako kumakain. Wala na kasi akong pera kaya kahit taga-linis ay inangkin ko na bilang trabaho.



The Ace of HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon