Chapter 23: Like A Bubble

105 5 0
                                    

 

"Hello, baby? Nasaan ka na? I'm here na," nilibot ko ang tingin sa paligid habang nasa isa kong tainga ang cellphone. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin natatanaw ang pagmumukha ng lalaking 'yon. Gentleman ba nyan yan? Una pa akong nakarating kesa sa kanya. Ts. Napaka-pabibo. Hindi naman masyadong gwapo. Pasalamat siya ay pumatol pa ako.


"Malapit na ako, wait me there. Pahanap na rin ng restaurant," saad ng mala-foreigner nitong boses. Hindi nga maayos ang accent sa pagtatagalog eh. Ewan ko ba kung bakit ko 'to pinatulan, sayang kasi yung mga libre niya kung aarte pa ako.


"Ha! Hindi ka pa nagpa-reserve?" bukod sa mainit ang panahon ay malapit na ring uminit ang ulo ko rito.


"No, baka hindi mo kasi magustuhan ang restaurant kung magpapa-reserve ako. I chose that place because I know maraming mga restaurants dyan at marami kang pagpipilian. Choose one and text me the restaurant name. Malapit na ako, traffic lang."


Nagbuntong-hininga ako at inilipat ang cellphone sa kabilang tainga, "Kung iniisip mong ang daloy ng trapiko dito ay tulad nang sa America, pwes nagkakamali ka. Bakit kasi hindi ka umalis ng maaga eh. May pa-ferrari ka pa eh trapik naman sa pinas," ano ba naman 'tong foreigner na 'to, "Fine, hintayin na kita. May magagawa pa ba ako? Bilisan mo, iwanan kita dito. Hanap ka bago ka-date," at saka ko na pinatay ang cellphone at inilagay sa dala kong black na backpack. Nakasabit ito sa isa kong balikat.


Jansport pa 'to wag ka.


Dapat kasi sa ganitong date, ako ang hinihintay at hindi ako ang naghihihtay. Ano ba yan? Mas lalaki pa ata ako.


Nahagip naman ng malinaw kong mata ang isang restaurant sa likuran ko lang. Sinilip ko na rin ang mga katabi pa nitong restaurant. Tama nga ang afam, tabi-tabi ang mga resto dito. Aarte pa ba ako? Nag-umpisa na ako sa paglalakad habang namimili ng resto. Kahit weekdays matao tsaka mukhang mura lang yung iba.


Ayaw ko pa naman sa cheap, well kung ako ang magbabayad, syempre dun ako sa makakamura. Pero since ililibre niya ako, aarte pa ba ako? Dapat dun na ako kumain sa mahal na resto no. Maging praktikal na tayo ngayon.


Naglakad-lakad ako. Halos matao sa mga kainan, siguro dahil mura. Natigil na lang ang paa ko nang matanaw ang isang resto na kakaunti lang ang tao. Mukha ring elegante ang mga customer habang pinapanood ko silang kumain sa loob. Yayamanin ah? Ma-try nga.


Kinuha ko ang cellphone sa bag at naglakad na papasok sa loob. Tinext ko na sa afam ang pangalan ng resto pero syempre, uupo na ako at mag-oorder. Mauna na ako kumain sa kanya.


"Good morning, mam. Any reservation po?" bati ng isang babae kaya napatingin ako sa kanya. Sheesh. Nawala sa cellphone ang atensyon ko at napunta sa kanya. Pinanood ko siya mula ulo hanggang paa. Sobrang sexy. OMG! Ang ganda pa. Napaka-elegante rin ng dating.


"Hi!" bati ko na nginitian siya. Dapat maganda rin ako, "Wala eh. Hinihintay ko pa kasi yung kasama ko."


"Alright, please this way, mam. We still have vacant seats," inilahad niya ang daan na sinundan ko naman. Ganda niya! Nabighani ata ako!

The Ace of HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon