Chapter 66: The Truth Behind Bars

50 3 0
                                    


Inilapag ko ang wine at dalawang wine glass sa lamesang nasa tapat namin. I carefully opened the wine at dahan-dahang ibinuhos 'yon sa dalawang wine glass.


I took one wine glass at iniabot sa kanya na kinuha naman nito. Sumandal ako sa sofa pagkatapos kunin ang isang wine glass. I looked at her from head-to-toe. Naka-krus ang isang kamay niya sa kabila at maayos ang pagkakasandal.


Her pink long sleeve top or whatever do you call that and her maong pants suits her well. I should thank her for leaving her shoes behind before going in my unit. Obvious naman na sapatos ang terno ng damit niya dahil naka-medyas lang ito ngayon.


Ibang-iba na siya. Maybe, that's how pain transforms people, "Ano, magtititigan na lang ba tayo rito?" I looked at her eyes when she spoke, "Baka lusubin ako ni Akeisha rito kapag nakita niyang ganyan ka makatitig sa akin," tumaas ang isang kilay nito at natawa na lang ako.


Pailing-iling akong nainom bago nagsalita, "Natatandaan mo pa pala siya."


"Of course. Napaka-memorable ng sagutan niyo sa highway eh," inikut-ikot niya ang hawak na wine na parang hinahalo 'yon, "How's your child?" hinarap niya ako. Unlike before, parang parating nakataas ang isang kilay ni Ishee ngayon. Hindi gaya noon na nakangiti siya madalas.


"He's fine," I nodded and smiled.


Patangu-tango siyang nainom, "Let's get straight to the point, Spade," inilapag niya ang wine glass sa lamesa. Sumandal siya at hinarapan ako. As usual, she fully crossed her arms now dahil wala na itong hawak. Mukhang alam ko na rin kung tungkol saan ang gusto niyang pag-usapan namin.


"Five days after you turned me in to the police, they set me free claiming na inosente ako sa kaso. I don't know how pero ang alam ko na lang ay nasa Canada na ako. After that incident, I promised myself na hinding-hindi na ako babalik rito sa Pilipinas, kahit ang magbasa o maki-balita sa mga nangyayari rito ay hindi ko ginawa, because I know you know the reason for that," at the end of her sentence, bahagyang nanginig ang boses niya, parang may pinipigilan siyang ilabas o sabihin and I undersrand.


"You don't have to tell that, Ishee," inilapag ko ang wine glass sa lanesa. I leaned forward, ipinatong ang mga siko sa tuhod para bahagyang mapalapit sa kanya, "Alam naming nasaktan ka, because you felt betrayed. In fact, we really betrayed you. We know what we did and we feel sorry for you pero kinailangan naming gawin lahat ng 'yon. Nasaktan na kami bago mo pa man 'yon naramdaman, kaya tanggap ko kung galit ka sa akin, sa amin."


She nodded, "You're right, kaya pinutol ko na lahat ng koneksyon ko rito but here we come. Hindi ko alam kung paano ako napunta ng Canada at ngayon naman, hindi ko rin alam kung paano ako nakabalik dito," nangingintab at nagtutubig ang kanyang mga mata.


"Nakasalubong ko si Jansen sa probinsya. He was sorry for what he did at nalaman ko sa kanya na nakakulong si Hart, tatlong taon na, totoo ba?" humina ang boses niya.


I was rubbing both of my hands with one another. Napayuko ako at tumango, "Yes."


The Ace of HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon