Chapter 62: Afraid Back Home

46 3 0
                                    



"Apo?! Ikaw ba 'yan?"


Hindi ko mapigilang mapangiti ngayong nasa harap ko na ulit siya, "Yes, La. Ako nga po."


"Ikaw nga! Apo ko!" sabay yakap nito sa akin ng mahigpit. Mukhang maiiyak ito sa hindi inaasahang pagkikita namin ngayon. We decided to go here in the province first kaysa dumiretso agad sa Manila. We landed on Clark kasi.


Nagkatinginan kami ni Ysha habang nakayakap sa akin si Lola. Nasa gilid ko kasi siya. Ghad, I missed her so much. Three years na rin kaming hindi nagkita. The last time I was here, hindi man maganda sa pandinig pero hinahanap ako ng mga pulis noon dahil sa isinampang kaso sa akin ng mga walang hiyang Razon, kaya napilitan akong umalis dito.


"Buti naman at nakauwi ka na rito. Ang sabi mo sa akin noong huli tayong nagkita ay babalikan mo ako," humiwalay si Lola sa akin.


"Pasensya na po, La. Marami lang talagang ganap and nangyari sa akin nitong mga nakaraang taon. I missed you so much, La," nakuha ko siyang hawakan sa mga kamay.


"Alalang-alala ako sa'yo, masaya ako na nandito ka na ulit," ngumiti siya at napansin ang nasa tabi ko.


"La, si Yreasha po pala. Kaibigan ko," pagpapakilala ko.


"Hello po!" pagkaway naman ni Ysha na nakangiti rin.


"Kaibigan? Buti naman at nakapagdala ka rin dito ng kaibigan mo, apo?" mukha ngang natutuwa rin ito kay Ysha.


"Bakit po? Hindi pa po ba nagdala si Shee ng kaibigan dito, Lola?" tanong ni Ysha.


"Hindi," pag-iling niya, "Wala yan mga kaibigan noon pa man."


"Di mo nakwento sa akin ah?" bahagya akong itinulak ni Ysha sa braso kaya napatingin ako sa kanya, "Pero nakakakilig, ako pala una mong inuwi rito, yieeee," natatawa pa nitong saad.


Nagsalubong ang kilay ko at irita siyang tinignan, "Tumigil ka nga. Para kang baliw dyan."


"Osya, halina kayo at mag-umagahan. Sakto at may nailuto akong adobo," naunang pumasok si Lola sa loob. Nasa tapat pa lang kasi kami ng pintuan.


"Uy, sakto, Lola," natutuwa pang saad ni Ysha. Feeling close na agad?


Iginaya kami ni Lola sa loob at ngayon ay pinaghahapag kami ni Ysha sa lamesa. Ayaw niya nga kaming tulungan ito sa paghahapag eh. Sakto namang inihapag niya ang kalderong mainit na naglalaman ng kanin at ang adobong ulam namin sa isang malukong. Naamoy ko pa lang ang aroma nito ay nagrereklamo na ang tyan ko.


I miss this. Nakakaiyak. Iba pa rin talaga ang lutong pagkain lalo na sa probinsya.


"Uy sakto po, Lola. Gutom na gutom pa naman po ako sa byahe. Mukhang masarap," nangingintab ang mata ni Ysha na inaamoy pa ang adobo.


The Ace of HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon