Chapter 55: First Phase Ended

63 3 0
                                    



"H-Hart?" I tried calling out to him habang inililibot ang tingin sa paligid. Hindi tulad kanina, madilim ngayon sa kabuuan ng mansyon. Mabuti na lang at may mga poste sa labas at nagagawa nitong mailawan ako rito sa loob mula sa bintana.


Kasalukuyang tahimik at nakatapak lang ako. Ramdam ko pa ang aking buhok na medyo mamasa-masa pa dahil nakatulog ako sa kama kakahintay pagkatapos maligo. Tahimik at mukhang walang tao. Mukhang hindi bumalik si Hart sa kwarto at 'yon ang nakakapagtaka.


Umalis ba siya ng hindi ko alam? Pero sinabihan niya akong babalik siya.


Bumaba ako habang nahawak ang isang kamay sa staircase, "Hart?" pagtawag ko ulit. Nagawang mag-echo ng aking boses ngunit wala akong nakuha na sagot. Nagsalubong ang kilay kong inilibot ang tingin sa paligid pagkababa, walang kailaw-ilaw at tahimik na parang walang tao.


Naglakad ako papunta sa kung saan hanggang sa maramdaman ang malamig na ihip ng hangin. Hinanap ko ang pinanggagalingan nito at napansin na bahagyang may siwang ang pintuan ng mansyon. Nakabukas ng konti ang pintuan at tila ba may naririnig akong dalawang taong nagbubulungan.


Dahan-dahan akong naglakad papalapit rito at palakas rin ng palakas ang dalawang boses.


"Tell them, tell them who you really are."


"After what I did for you, 'yan ang sasabihin mo sa akin?"


"Soon, they would eventually find out. Nakikita mo ba ang sarili mo? You're losing control. Bumabalik ka sa date. Mapapansin rin nila ang pagbabago sa'yo."


"They won't. Because no one really knows."


"Someone know, at alam mo kung sino ang tinutukoy ko."


Bahagya akong sumilip sa pintuan para tanawin kung sino ang mga nagbubulungan. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay may naapakan naman ako na kung ano kaya sa aking pagkakadapa ay diretso kong naitulak ang dalawang pintuan, dahilan para gumawa ng ingay at sabay na bumukas. Kasabay noon ay ang pagkadapa ko sa sahig. Tahimik akong napadaing.


Aktong titingala ako ay may pamilyar na tunong akong narinig sa pangalawang pagkakataon. Sasakyan ng mga pulis... kusa kong naitaas ang isang kamay para harangan ang mukha dahil nasisilaw ako sa dalawang ilaw na salitan sa pagkislap. Kulay bughaw at pula.


Sunud-sunod kong naririnig ang tunog ng kanilang sasakyan na tila nasa harapan ko ngayon kasabay ng pagkislap ng mga ilaw na 'yon, "LeFevbre, sumuko ka na!" sigaw ng kung sino hanggang sa makarinig ako ng pagputok ng isang baril.


Kusa akong napatingala hanggang sa mapansin ang pigura ng isang lalaki sa aking harapan. Nakatalikod siya sa akin at nakaharap sa mga pulis. Tatlong sasakyan ng mga ito ang nasa tapat namin. Lahat sila ay nakatutok ang baril sa kanya.


LeFevbre?


Unti-unti akong hinarap ng lalaki. Duguan siya sa mukha at hinihingal. Naka-puting long sleeve ito na ngayon ay may talsik ng dugo. Basang-basa ang kanyang buhok. Nagkatitigan kaming dalawa hanggang sa nagliwanag ang kanyang mukha sa aking paningin.

The Ace of HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon