Chapter 13: His Business Partner

162 4 0
                                    


- 2 years ago -


It's 6 pm and now, we are behind his building. Nasa likuran kasi ang parking lot. Bumaba ako ng sasakyan ni Sir nang bumaba rin siya. I was still holding my file folder na iniabot niya sa akin noong isang araw. Para saan nga ulit 'to?


Nakasunod ako sa likuran nito habang naglalakad siya. Now, he's buttoning one button of his cream suit. Naglakad kami papunta sa entrance until I caught a glimpse of the whole building. Hindi ito tulad ng nakita ko kailan lang. The building was in cream color but the one in front of me is in black now. Inilibot ko ang tingin just to check if ito ba ang pinuntahan kong building date. The place is on exact location, ganitong-ganito ang pwesto. But how come iba ang kulay ngayon ng building?


"Sir?" I asked na humabol sa kanya. Ang lalaki kasi ng hakbang niya. Ngayon pa lang talaga ako mag-uumpisa ng work sa kanya. I'm nervous nga eh. Plus he seems so intimidating. Halos makaladkad na nga rin ako dahil mabilis siyang maglakad habang nag-aadjust pa ako sa 3 inches heels na suot ko.


Hindi niya ako sinagot kaya nagtanong na lang ulit ako, "Hindi po ba 'to yung building na pinuntahan ko nung unang beses?"


"Indeed," tipid niyang sagot.


"Am I color blind? Or hallucinating?" wala sa sariling tanong ko, "Hindi naman ganito ang kulay nun eh," mahina kong sambit.


"If you are not aware, this is known as the camouflage building," saad niya.


"Po?"


"You'll see."


Camouflage? How come?


Pagpasok namin, as usual, kusang bumukas ang dalawang glass door na pintuan kung saan may dalawang lalaking nagbabantay sa magkabilang-gilid. They were in black suit at may suot pang earbuds sa isang tainga. Nakamaskara din pala kaming dalawa. Kami lang ata ang may suot na ganito. We have the same color code, cream in color, maliban sa puting maskara. Ang suot ko pala ngayon ay ang ibinigay niyang cream na dress date.


Katulad ng labas, itim na rin ang kulay ng sahig at mga pader ngayon, even the frames of those photographies. Unlike before, may tao na ngayon sa counter desk, "Good evening, Mr. Hart," bati ng babae na naka-black coat din. Bahagya pa siyang yumuko but the man in front of me didn't bother. Dire-diretso lang siya.


"Good evening," nginitian ko ang babae at yumuko na rin ng konti bago namin siya nilagpasan. We took the elevator. Maski ito, nag-iba ang kulay, it is now in shiny black. Nakatayo lang siya habang nasa likuran ko siya. He was not moving. Tumingin siya sa gilid nito.


Am I supposed to do anything?


Oh, baka ako dapat ang pumindot? I took a step forward at aktong pipindot nang matigilan ako. I looked at him waiting.


The Ace of HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon