Chapter 32: Self-Comfort

89 3 0
                                    


Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong-hininga. Isa-isa kong tinignan ang tatlong maletang nakabukas ngayon sa harapan ko. That man did not mention na bukod sa matalino siya ay wala pala siyang alam sa pag-eempake. Paano ba naman, magulo ang pagkakalagay ng mga gamit ko na halatang minadali lang. Hindi sila nakatupi ng maayos. Ang mahirap pa ay wala ang mga sabon at skincare na ginagamit ko.


Binigay niya siguro sa girlfriend niya? Pati ba naman 'yon, aagawin sa akin.


Before ko pa na-meet si Jansen ay masyado ako naging komportable sa mansyon ni Hart. Bukod sa pinayagan niya akong magdala doon ng mga gamit at matulog ay kinumpleto ko na rin ang mga gamit ko sa binigay niyang kwarto kung saan ang guest room para kung umuwi man ako sa mansyon niya ay may gamit pa rin ako. At least, hindi ko na kailangan pang umuwi.


But what should I do now?


Kinuha ko ang isang maliit na bote ng lotion mula sa isang pouch at ngayon ay malagkit na ang lalagyanan dahil natapon ang laman. Halata namang pilit niyang isinaksak ang mga gamit ko sa maleta, maski ang toothpaste ay natapon sa loob. Ngayon, malagkit ang iba kong mga damit.


Wala na akong nagawa at tinapon na lang ang mga hindi ko na pwedeng magamit, yung mga natapon. Halatang minadali niya ang pag-iimpake kaya isinaksak niya na lang kung saan-saan ang mga gamit ko.


Isa-isa kong inayos ang mga damit ko at inilagay sa malaking cabinet. Isinabit ko sa hanger ang iba. Buti na lang at medyo malaki ang space nitong kwarto. Medyo malaki rin ang kama kaya natuwa ako pagkapasok ko pa lang kanina. Nakapag-check in kasi ako sa isa mga hotel dito sa syudad, 'yun lang ay nawala ang kaisa-isang gamit na mahalaga sa akin.


And yes, I sold my phone in exchange of money. Wala na kasi akong pera, maski ang ipon ko ay wala na dahil ang buong akala ko, nagpapagamot si mama sa ospital, 'yun kasi ang sinabi ni Ate Rae sa akin, tapos ngayon, malalaman ko na lang na hindi naman pala talaga na-ospital si mama. Ngayon ay nasa Hong Kong pa sila at namamasyal.


Isa ito sa mga rason kung bakit hindi rin ako agad nakabalik sa kumpanya, bukod sa walang kasama si lola ay ipinadala ko kila ate Rae ang mga pera ko para ipambayad sana sa ospital.


In short, they pretended that they needed an emergency money when in fact, gagamitin lang pala nilang pamasyal sa ibang bansa.


I was deceived by my family.


Wait- do I even belong to them? Kasi as far as I remember, parang hindi naman.


This life is really giving me troubles.


Binigay ko lahat, at ngayon, ako ang nawalan. I don't even know how to start, now that I lost everything. Hindi pa sila makukuntento sa sitwasyon ko, at bukod sa pinalayas ako ng kaisa-isang taong pag-asa ko, preso pa ang bagsak ko nito.


Matapos isabit ang naka-hanger kong damit sa cabinet ay naglakad ako papakapit sa kama. Malawak akong humiga rito. Ngayon ay nakatingin ako sa puting kisame. I was almost got dragged by the guards of this hotel, medyo madungis kasi ako kanina. They couldn't believe na kaya kong magbayad para sa hotel. I showed them my money and good thing, they believed me. Inakala siguro nilang magnanakaw ako noong una.

The Ace of HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon