Chapter 57: Think About It

50 3 0
                                    



Agad kong ni-lock ang pintuan gamit ang susi ng basement. Sinubukan ko pa itong buksan muli. Nang masigurong naka-lock na talaga ito ay hinugot ko ang susi at inilagay sa bulsa, kasabay ng pagpapakawala ng isang malalim na buntong-hininga.


Paalis na sana ako kanina to go to work. Buti na lang at naalala ko na hindi ko pa pala ito naisasara so after opening the gate, bumalik ako agad dito sa loob. No one entered this part of the house yet. Bawal kasi, especially Ysha.


Pagtalikod ko para sana umalis na ng bahay, ay halos mapatalon ang puso ko sa pagkabigla nang may kung sinong lumitaw sa harapan ko. Ghad, this takes back a memory three years ago. Our last night together.


"Tita?" panimula ko nang mamukhaan naman agad ang babae sa aking harapan, "Bakit po kayo nandito?" kunot-noong tanong ko at tinanaw ang nakabukas na pintuan sa kanyang likuran.


"P-Pasensya na, Shein. Nakita ko kasing nakabukas ang gate at pintuan kaya hindi na ako kumatok," namumugto ang mga mata nito at mukhang pagod na.


Halatang natuyuan na siya ng pawis at madungis ang suot niyang lavender nitong uniform sa trabaho. Well, collared-shirt lang naman 'yon at slacks, mukha ngang pang-yaya ito given na sa office naman siya nagwowork but I should not be judgmental.


"Ayos lang po, tita. Bakit nga po pala kayo nandito? Did something happen ba? Kay Ysha?" bumibilis na rin ang pintig ng aking puso dahil ngayon ko lang siya nakitang ganito, as if it's an urgent matter.


Wala naman sigurong nangyaring masama kay Ysha no?


"Pwede ba tayong mag-usap, nak?" hinawakan niya ako sa isang kamay kaya napatingin ako rito, "Kung busy ka, kahit mamaya na lang. Babalik na lang ako rito," mukhang nakikiusap ang kanyang mga mata.


Umiling ako at hinawakan ang kamay niya nang aktong tatalikuran ako nito, "No, tita. Kahit kailan, hindi ako busy para sa inyo ni Ysha. Kayo lang nga ang tinuturing kong pamilya dito sa Canada eh. Pwede po tayong mag-usap ngayon since it seems to be urgent, otherwise hindi naman po kayo agad na pupunta rito knowing na busy-mom rin po kayo," nginitian niya ako at tumango.


"Salamat, nak."


Pinaupo ko muna siya sa sala habang sinasara ang gate. Natigil ako nang may mamataan sa hindi kalayuan. Para bang may nag-flash na kung ano sa direksyon ko. Bigla 'yong nawala na parang bula, or baka namamalikmata lang ako. Nevermind.


Pumasok na ako sa loob at isinara ang pinto. Pinagtimpla ko muna ng orange juice si tita. Anyways, siya pala ang mommy ni Yreasha. Parang naging nanay-nanayan ko na rin ito sa loob ng tatlong taon. Mas naging nanay ko pa nga siya kumpara sa sarili kong ina.


"Tita, mainom muna po kayo," inilapag ko ang juice sa harapan niya, sa may lamesa at naupo sa tapat nito.


"Salamat, Shein ah?"


Ngumiti ako at tinanguan siya, "No problem, tita. Basta kayo ni Ysha. Anyway, ano po pala ang pakay niyo rito at gusto niyo akong makausap?"

The Ace of HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon