Chapter 71: Our Escape

34 3 0
                                    


"Is she fine ba?" nakaluhod ako habang nakatingin sa nurse na ngayon ay walang malay sa sahig. Tiningala ko si Spade na kakasara lang ng pintuan.


"Bakit? Ano bang tingin mo sa akin?" lumapit siya sa akin. Isa-isa ko namang inalis ang uniform ng nurse, lalo na ang nurse cap nito, "Don't worry, Ishee. Pinatulog ko lang. Make it fast, bago siya magising. Dyan ka na magbihis."


Natigilan ako at napatingala sa kanya bago tumayo. Tumalikod naman siya sa akin kaya isa-isa kong inalis ang suot na damit at pinampalit ang uniform ng nurse.


"Paano kung magising siya nang hindi pa kami nakakalabas ng ospital?" hindi ko maiwasang mag-alala.


"Kaya nga bilisan mo," nakatalikod pa rin siya.


"Spade naman eh!" halos sigawan ko ito. Sinuot ko ang nurse cap at muling lumuhod sa tapat ng nurse. Kinapa ko ang buhok ng babae at nasalat ang iilang hairpin na siyang kinuha ko, "Ok na," umayos ako ng tayo at kinapa ang sariling buhok. Isa-isa kong inilagay ang hairpin para hindi mahulog ang cap.


Hinarapan niya ako kaya magkatapat kami ngayon, "Seryoso ka ba?" I even asked habang inaayos ang hairpin sa aking buhok. I can't find the right position, mali pa ang pagkakalagay ko rito.


"Akin na nga," inilahad niya ang kamay sa akin at iniabot ko naman ang tatlong hairpin. Siya na ang naglagay ng mga ito sa aking buhok until I could feel that the cap is now fixed on my hair. Hinarap niya ako.


"I will lock this room, so just in case magising ang nurse ay hindi ito agad makakapag-report. Let's just hope na wala agad makakita sa kanya rito."


"Ikaw ba, hindi ka sasama sa akin?"


Umiling ito, "I already had my research while we were on our way here. Isang nurse lang ang pinapa-pasok sa kwarto ni Hart," lumuhod siya at tinanggal ang suot na id ng babae at muling tumayo. Yeah, I almost forgot.


Isinuot niya ito sa akin, "This woman is the only nurse na privilege makapasok kung nasaan si Hart. Use this as your proof to the guards," iniangat niya ang id card na suot ko. I nodded at him, "Kaya no, hindi ka namin pwedeng samahan pero huwag kang mag-alala, I will be right here on the second floor para bantayan itong nurse," ngumiti siya.


"Ano namang gagawin mo kung magising siya at abutan ka rito? You'd charm her?" umangat ang mga kilay ko.


"Anything it takes to prevent her from reporting so yes, if I have to seduce her using my charm, why not?" masama itong napangiti kaya pinan-ikutan ko ng mata.


"Ano pa nga ba? I can't say no naman dahil may mission tayo now and I need you all," may nakapa ako sa bulsa ng suot kong white skirt. Inilabas ko ito at isang puting mask. It does not seem used dahil hindi pa nakabukas. Great timing. I will just use this. Isinuot ko na ito.


"I will be here on the second floor. C-El and Mour will be downstairs. Sasalubungin ka nila sa labas kasama ng ambulansya. I will follow behind you once you reach the ground floor."

The Ace of HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon