Chapter 14: Weakest's Acceptance

126 4 0
                                    


- Continuation -


"Has he always been like that?" tanong ko kay Yreasha. As of now, nandito kami sa office niya. May aparte pala siyang opisina dito sa 10th floor. Hindi man nga ito mukhang office, parang kwarto. Itim din ang kabuuan nito. May sofa at bukod pa roon, may aparteng lamesa at upuan kung saan nakapatong ang mga papeles niya. Katamtaman lang ang laki nitong kwarto. Nakaupo ako sa mahabang sofa habang nasa tapat ko naman siya.


Mr. Hart told us na huwag muna raw akong sumama dahil may imemeet-up siya.


"Like what?" kumuha siya ng ilang pirasong ubas sa isang lalagyanan ng iba't ibang prutas na nasa lamesa. Nasa pagitan namin 'yon at saka ito sumubo ng isa.


"Not talking to his clients?"


"Hmm," lumunok siya, "Yah," at kumain ulit ng isa, "Alam kong maninibago ka pero kailangan mo ng masanay because this is your job now. Kailangan mo ng tanggapin ang kapalaran mo," unti-unti siyang ngumiti.


"Job what?" pagkunot ng noo ko.


"Teka lang, naiinitan ako, te," hinawakan niya ang mahaba at itim nitong buhok na siyang nagpalaki ng mata ko. Hinila niya kasi 'yon na parang tela lang at unti-unting nahulog sa sofa.


Wait!


"Wig ang suot mo?!" hindi makapaniwalang tanong ko.


"Obvious ba? Natanggal nga dba?" ang masungit at maarteng babae na kasama namin kanina ay biglang nag-iba, maski ang pananalita niya, naging matigas.


"Tingin mo ba sanay ako sa mga ganitong bagay?" inalis niya rin ang suot nitong heels at inihagis sa kung saan kaya sinundan ko 'yon ng tingin.


"Kinailangan ko lang magtiis dahil ito ang trabaho ko sa casino," hindi na ito nakatiis at kinuha ang lalagyanan ng prutas at niyakap. Itinaas niya ang dalawang paa at pinagkrus yon na parang feel at home pa ito. Kung kanina ay mahaba ang buhok niya, ngayon ay maikli na lang. Hindi aabot ang haba sa balikat niya.


Kung makakain din siya ngayon, parang hindi siya babae, "Kanina, mukha kang masungit bakit ngayon?"


Tumigil siya sa pagkagat at tinignan ako, "Ano? Ano na ako ngayon?"


"Sinusungitan mo pa lang ako kanina."


"Kanina 'yon. At nasa trabaho tayo. When you are with the boss, you always have to act like you own this place. Dapat ganon ka din, te," kumindat siya at nilahad sa akin ang hawak nito na parang namimigay.


"Bakit naman?" kumuha ako ng orange doon at nag-umpisang bakbakan.


The Ace of HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon