SPECIAL CHAP 1.5

512 37 12
                                    

Faye's POV

“Tapatin ko na po kayo, Mr. Magulang. Mukhang mahihirapan po tayong ipanalo ang kaso ninyo dahil kulang tayo sa ebidensya.”

Diretso kong sinabi ito sa kliyente ko. Ayokong bigyan siya ng maling pag-asa, lalo na’t ang daming butas ng mga dokumentong ipinasa niya sa akin.

“Atty., ibibigay ko po ang lahat ng meron ako, basta ipanalo ninyo ang kaso ko.”

Napabuntong-hininga ako. Alam kong desperado siya, pero hindi puwedeng puro emosyon lang ang pagbabatayan namin. Kailangan ng solidong ebidensya para manalo. Bigla akong nakaisip ng paraan, kaya kinuha ko ang phone ko at nag-send ng message.

“I will do my best po para mapanalo natin ito.”

Tumango siya at nagpaalam na. Sakto namang pag-alis niya, dumating ang taong kakachat ko lang.

“You need me?”

“Ling.”

By the way, matagal na kaming magkaibigan. Umalis na siya sa law firm ng mga magulang niya at lumipat dito. Masaya na rin sila ni Orm, at sa tingin ko, alam na niya ang naging kasunduan namin noon ni Orm.

“Mukhang mabigat ‘yan ah,”

sabi niya nang mapansin ang pagbugtong-hininga ko.

“Meron akong hinahawakang malaking kaso ngayon, at sobrang daming loopholes ng case. Baka puwede mo akong tulungan.”


“Sure. Anong kaso ba ‘yan?”

“Rape.”

Agad siyang naging seryoso.

“Who’s the complainant and defendant?”

“Mrs. Blanco accused her own father of rape.”

“Who’s the victim?”

“The daughter of Mrs. Blanco.”

“Age?”

“9”

Biglang nagtagpo ang mga mata namin ni Ling. Ilang segundong katahimikan ang namagitan sa amin bago siya muling nagsalita.

“Ang bigat nito.”

Napangisi na lang ako. What should we do? Ganito ang trabaho namin—mabigat, mahirap, pero kailangan naming gampanan.

Sa natitirang oras ng araw ko, inubos ko na lang ang panahon sa pagpirma ng mga kontrata para makauwi ako nang maaga. Anniversary kasi namin ngayon ni Yoko, kaya plano kong ayain siyang mag-date.



“Da!”

Pagpasok ko ng mansion, sinalubong ako ng bunso namin, may hawak na isang tangkay ng rosas.

“Para saan ito?”

tanong ko, natatawa.

“Di ba po anniversary ninyo ngayon?”



Nginitian ko siya at hinalikan sa noo.


“Thank you, baby.”


Sabay kaming pumasok sa loob ng bahay. Napansin kong maraming tao sa garden, abala sa kung anong ginagawa. Balak ko sanang silipin, pero pinigilan ako ni Franco.


“Da, tingnan mo ang bagong labas na soccer shoes!”


Ipinakita niya sa akin ang iPad niya.


QUERENCIATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon