LE ANNE'S POV
"I'M HOME!" sigaw ko pagpasok ko ng bahay.
Unusual ang aga ng uwi ko ngayon, akala ko magugulat ko si Papa kaso si Basteh lang ang nadatnan ko.
"Welcome Home." nakangiting sabi ni Basteh sa akin habang naglilinis ng bintana. "Di niyo kasama si Master Alfred?"
Siya ang Butler ng Kaibigan kong si Alfred.
Yes, Butler siya.
Lakas makayaman ni Alfred ano?
May sariling Butler.
Hahaha.
Mga nasa 30's na siya at napakamasunurin niya kay Alfred.
Matulungin din siya sa amin ni Papa.
Hayan nga't nililinisan pa niya ang bahay namin kahit di namin sabihin.
Sa kabilang bahay sila nakatira, pero lagi silang tambay dito sa amin.
Okay lang naman kay Papa, dahil mas gusto niya raw ng marami kaming nakakasama sa bahay at nakakausap.
"Nasa office pa siya e. Galing kasi kami ng field ni Kuya Hector, si Alfred naman naiwan sa office. Tapos yun, sabi ni Kuya, wag na lang daw akong bumalik sa office. Kaya umuwi na ako kaagad." kwento ko.
Napalingon ako kaliwa't kanan. "Si Papa?" tanong ko.
"Nasa bayan si Mang Leonard. Gusto daw kasi niyang magluto ng Kare kare para sa hapunan." sabi niya.
WOWWW!
"Kare-kare?"
bigla akong natakam.
BINABASA MO ANG
The Half ENCHANTRESS
FantasyHow did Le Anne, a sassy girl with weird hobbies and a Human (Pure Human, I mean) became THE HALF ENCHANTRESS? Secrets and Mysteries are waiting as she search for her Long Lost Mother. This is a story of love, family, secrets, mysteries and how adve...