Chap 44: SEPARATION

989 29 0
                                    

BIANCA'S POV


"HECTOR!" patakbo akong lumapit sa kanya. 



Mukhang malala ang pagkakabagsak niya. 




Kanina pa sila naglalaban ni Enzo. At mukhang mas malakas si Enzo sa kanya. 




Siguro dahil sa Demonic Aura kaya mas lumakas ang Black Magic nito. 



"Lumayo na tayo dito Hector. Hindi mo siya kaya."





"Malakas din ioang Body Guard mo Prinsesa. Di na masama." 





Mukhang tuwang tuwa siya sa nangyayari.





"Itigil mo na ito Enzo." Nagpalabas ako ng mga fairies para pagalingin ang mga sugat ni Hector. 




Konting galos lang ang kayang gamutin ng mga fairies ko, hindi gaya ng Healing magic ni Le Anne na kayang gamutin ang mga malalalang sugat.





"At may mahika ka na rin pala Prinsesa." pansin sa akin ulit ni Enzo pero di ko siya nilingon. "Magpalakas muna kayo sa ngayon. Para sa susunod na magkita tayo, mas enjoy ang pakikipaglaro ko sa inyo."




Bigla niyang hinawakan ang braso ko at walang habas na inihagis. 







Namataan ko na lang na ibinato niya pala ako papasok sa balon. 




Kahit papano ay nagawa ko pang kumapit sa bunganga ng balon.




Nakakainis. 





The Half ENCHANTRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon