ALFRED'S POV
"ANG TWIN Wizard." rinig kong sabi ni Francia habang nakatingin siya sa ibabaw ng katawan ni Mang Kolas. Hinihintay naming magkamalay sina Le Anne at Mang Kolas sa treehouse nang dumating si Francia. Hindi nagtagal ay may biglang lumitaw na liwanag sa ibabaw ni Mang Kolas.
"Ano ang liwanag na yun?" sabi ni Basteh nang biglang may lumitaw na kulay purple na liwanag kung saan nakatingin si Francia.
"Anong nangyayari?" Parang hinihigop ako ng liwanag. Nabitawan ko si Le Anne na nakasandal sa akin habang walang malay. "Le Anne!" Pilit ko siyang inabot pero tuluyan na akong hinigop ng liwanag na yun. "Le Anne! Le Anne!"
Paggising ko ay nasa isang malawak na lugar ako. Parang space na kulay purple. Naalala kong walang malay si Le Anne nang maghiwalay kami.
Damn it.
Bakit ba lagi na lang siyang nalalayo sa akin?
"Alfred?"
Napalingon ako kung saan ko narinig ang pamilyar na boses na yun. Laking gulat ko nang makita sina Bianca.
"Si Alfred nga." At kasama niya si Hector. "Hindi mo ba kasama si Le Anne?"
Kainis. Ayaw kitang kausap. Akala mo ba nakakalimutan ko na ang ginawa mo. Tumalikod ako kay Hector at humarap kay Bianca. "Bianca, may ibang Medo na gumamit nang Coin Ala Bastard."
"Anong sabi mo?" gulat na sabi nilang dalawa.
"May gumaya nang mukha ni Le Anne para maka-log in at humilingr sa Coin ala Bastard na yun." kwento ko.
"Kung ganun nasaan na si Le Anne?" tanong ni Bianca.
BINABASA MO ANG
The Half ENCHANTRESS
FantasyHow did Le Anne, a sassy girl with weird hobbies and a Human (Pure Human, I mean) became THE HALF ENCHANTRESS? Secrets and Mysteries are waiting as she search for her Long Lost Mother. This is a story of love, family, secrets, mysteries and how adve...