ALFRED'S POV
"NASAAN tayo?" Tanong ni Le Anne pagkatapos ng teleportation ni Basteh. Nasaan nga ba kami? Bakit ang daming tent?
"Sa border ng West at South Kingdom." Sagot ni Basteh. "Dito nagkakampo ang kanilang Hari ng South Kingdom habang papunta sa palasyo ng West Kingdom."
In short, Kampo ng South Kingdom. "Parang di maganda to."
At nagkatotoo nga. Biglang may net na bumalot kay Basteh at inangat sa sanga ng puno.
"Master Alfred." Sigaw niya habang napaligiran na kami ng mga sundalo ng South Kingdom.
Pamilyar sakin ang mga mukha ng sundalo. Ilan sa kanila ay napamunuan ko sa paghaharap namin ni Hector. Tinago sila sa invisible na kweba. Siguradong malaki ang galit nila sakin. Pinahamak ko sila sa digmaan.
Di siguro inaasahan ni Basteh na mapapakawalan ang mga ito.
Naging careless kami.
"Nilinlang tayo ng Prinsipeng yan." Inaasahan ko na ang maririnig ko sa mga sundalo.
"Dakpin sila."
"Kunin ang Prinsipe ng Norte."
Tanggap ko na. Kailangan kong harapin ang atraso ko sa kanila.
Bago pa makalapit sa akin ang isang sundalo ay biglang may latigo ang pumulupot sa braso niya at hinagis siya sa mga kasamahan niya.
"I refused!" Sigaw ni Le Anne.
Halla. Bakit siya ang nagtatanggol sakin. Ano bang iniisip ko? Di ako dapat maguilty sa ginawa ko.
Dahil sa resistance na yun ay nilapitan pa siya ng ilan pang sundalo. Ngunit isa isa niya itong nilabanan.
"Le Anne--"
Di ko naituloy ang sasabihin ko dahil mukhang nanggi-gigil na ang girlfriend ko.
"Kayong mga taga - South Kingdom, nakakalimutan niyo na ba kung anong ginawa niyo sa grupo namin?" Hinuli niya ang isa sa mga ito at tinutukan ng patalim sa leeg. "Ano! Ipapa-alala ko ba?"
Hindi ako pumalag dahil may atraso ako sa kanila. Pero tama si Le Anne. Malaki ang atraso nila sa amin kung tutuusin. "Pinagka-isahan nila ako sa Japan sa pamumuno ni Wendy."
"Ilang beses niyong pinigilan ang grupo namin na makarating sa Medos. Muntik ng mapahamak ang mga kaibigan ko. Si Hanna, Iza at Jinky. Ilang beses niyo rin pinagtangkaan ang buhay ko. Sinakop niyo ang kalahati ng East Kingdom. Naulila sila Lovo. Lahat ng yun, dahil sa inyo."
"Teka, sino ka ba?" Tanong ng mga sundalo.
"Siya ang Half Enchantress." Sagot ko dahilan para magbulong bulungan.
"Ang Half Enchantress?"
"Totoo pala ang alamat."
"Ililigtas niya tayo."
"Ibaba nyo ang mga sandata niyo." Utos ng isa.
Binaba nga nila ang mga sandata nila ang nagsiluhod kay Le Anne. "Paumanhin sa pangugulo namin sa inyo."
"Sumusunod lamang kami sa utos."
Nilingon ko ang nagsabi nun. "Pakawalan niyo ang kasama namin."
Pinakawalan din nila si Basteh at binitawan din ni Le Anne ang bihag niya.
Inalalayan ni Le Anne si Basteh. "Ayos ka lang ba?"
"Ayos lang." Sagot nito.
"Sabi ko na nga ba may kaguluhan dito sa labas." Napalingon kami kung sino yun. Namumukhaan ko siya. Siya ang Heneral na nasa pagpupulong ng South Kingdom. "Maligayang pagbabalik Mahal na Prinsipe Alfred."
BINABASA MO ANG
The Half ENCHANTRESS
FantasyHow did Le Anne, a sassy girl with weird hobbies and a Human (Pure Human, I mean) became THE HALF ENCHANTRESS? Secrets and Mysteries are waiting as she search for her Long Lost Mother. This is a story of love, family, secrets, mysteries and how adve...