ANNIE'S POV (LE ANNE'S MOTHER)
"ANO ba talaga ang misyon na dapat niyang gampanan?" tanong ko kay Francia habang nakayakap ako kay Le Anne na wala pang malay sa tree house. Ang tagal kong inaasam na makita siya. Dalagang dalaga na siya. Hindi ko inaasahang pupunta nga siya dito sa Medos para hanapin ako at gampanan ang tungkulin ng Half Enchantress. Pero ano nga ba ang tungkulin ng anak ko? Anong misyon ang kailangan niyang gampanan?
"Well, ang alam ko lang kailangan nilang pigilan ang pagbuhay sa halimaw na si Draco." sagot ni Francia sabay iwas ng tingin. "Ang ibang detalye ay ang Divine Wizard lang ang nakakaalam."
"Excuse me po." biglang baling sa akin ng isang lalaki na kanina pa nakikipagtalo kay Francia. "Ako po si Sebastian. Naaalala niyo po ba ako Aling Annie?"
"Sinong Ale?" napataas ang kilay ko. "Kanina lang, narinig kitang tinawag mong Miss Sarah ang kakambal ko. Tapos sa akin, Ale?" Loko to ah.
"Katakot. Mukhang sa kanya nga nagmana si Le Anne." rinig kong bulong niya.
"May sinasabi ka?"
"Ah wala po." Napakamot siya ng ulo. "Ahmm Miss Annie, naaalala niyo po ba ako? Ako po yung bantay ni Master Alfred. Yung lagi pong sumusundo sa kanya sa bahay niyo."
Ah oo. Tama. Naalala ko. May binatang laging sumusundo kay Alfred sa bahay. Yung laging inaaway ni Alfred dahil ayaw pa niyang umuwi. Pag di sila nakaalis kaagad ng bahay, si Freda na ang susundo sa kanila. "Sandali. Ibig mo bang sabihin, nagkakilala ulit si Alfred at Le Anne? Matapos nang insidente noon."
"Ah opo. Nakipagkasundo si Le Anne kay Master Alfred na kapag tinulungan kami ni Le Anne na hanapin ang mga nawawalang Medos, tutulungan naman namin siyang hanapin ang kanyang Ina dito sa Medos." paliwanag niya.
Mapagbiro nga naman ang tadhana. Kahit tinanggalan sila ng ala ala noon ay nagkita pa rin pala sila ulit. "Teka, anong lagay niya. Kelan siya magigising?"
"Who knows." Napabuntong hininga si Francia. "It's your fault Idiot."
"Teka Bakit ako?" Ano bang sinasabi niya? "Ngayon lang kami nagkita."
"Ikaw ang may bigay sa kanya ng Coin ala Genie diba?"
Ha? Teka. Isang batang lalaki ang pinagbigyan ko noon.
Napatingin ako kay Le Anne. Hawig nga niya yung batang lalaki na nakausap ko sa train. "Don't tell me si Le Anne ang---"
"Teka kayo yung matandang babae?" tanong sa akin ni Sebastian.
BINABASA MO ANG
The Half ENCHANTRESS
FantasyHow did Le Anne, a sassy girl with weird hobbies and a Human (Pure Human, I mean) became THE HALF ENCHANTRESS? Secrets and Mysteries are waiting as she search for her Long Lost Mother. This is a story of love, family, secrets, mysteries and how adve...