Chap 12: PERMISSION

1.8K 59 4
                                    



BASTEH'S POV


"BAKIT ba napakatagal mag ayos ng mga babae?" reklamo sa akin ni Master Alfred.Nakaupo kaming dalawa sa Dining Hall habang hinihintay ang mga dalaga.




Karamihan nga ng mga nandito ay mga lalaki. Habang ang mga babae naman ay busy pa sa pag aayos ng kanilang sarili. 





Kaya heto, nayayamot na naman ang Master ko. Wala pa ang ka-asaran niya e/ 




"Siguro nagpapaganda pa sila Master" sagot ko.



"Ganun ba sila kapangit para matagalan sa pagpapaganda?" tanong niya saka may bigla akong narinig na tumatawa. Napalingon ako sa direksyon ng naririnig kong tawa.




Nakita ko si Ms. Rain kasama si Nathan at umupo sila sa tabi namin ni Master. "Maiksi rin pala pasensya mo, gaya nitong si Nathan."



Inismidan lang siya ni Master at iniwas ang tingin kay Rain. 




He really don't want to talk to strangers. Hahah  At saka hindi talaga matinong kausap ng mga hindi niya ka-close. hehehe


Bumaling na lang ako kay Ms Rain para hindi naman siya mapahiya.

"Napakaganda niyo po Ms. Rain." puri ko sa kanya.




"Salamat Sebastian. Rain na lang ang itawag mo sa akin." sabi niya.




"Basteh na lang din ang itawag niyo sa akin."




"Sure, Basteh." ngiti niya sa akin. "Oh by the way. Pwede ko ba makita ulit yung mga patalim mo?"




Biglang napahapo si Nathan sa noo. "Adik talaga." rinig kong bulong nito.



"Anong sabi mo?" baling sa kanya ni Rain. Habang ako naman ay kinukuha na ang mga patalim sa bulsa ko.




"Sabi ko, Adik ka talaga sa patalim." ulit ni Nathan.

The Half ENCHANTRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon