LE ANNE'S POV
"WALA NA bang Kidlat?" Tanong ko sa mga sundalong nagbabantay sa akin sa labas ng tent.
"Mukhang humupa na nga ang Kidlat." Sagot ng isang sundalo.
"Mabuti naman kung ganun. Hahanapin ko na si Hector." Lalabas na sana ako ng tent nang harangan ako ng mga sundalo.
"Ibinilin sa amin ng Prinsesa na hwag po kayong palabasin ng tent. Mas mainam siguro kung hintayin niyo na lang ang Prinsesa Bianca."
"Ganun ba?" Napayuko na lang ako. Kailangan kong sumunod dahil tutulungan nila akong hanapin si Mama. Umupo na lang ako sa loob ng tent.
Kanina, habang nag uusap kami ni Bianca, isang malakas na kidlat ang tumama sa di kalayuan. Sa sobrang takot ko sa kidlat, di ko na namalayan na nakalabas na pala si Bianca.
Hayy. Hindi ko alam kung bakit but I feel uneasy with Bianca. Nagseselos ba ako? Pero ikakasal na sila ni Pol, bakit ako magseselos sa kanila ni Hector.
Pero may karapatan naman akong magselos diba? Hinalikan niya ako kagabi, ibig sabihin. . . Kami na?
Kami na nga ba? Uwaah kailangan kong makausap si Hector.
Nagulat na lang ako nang biglang pumasok sa tent si Pol.
(Author's Note: Si Alfred ay pinakilala bilang Pol kay Le Anne)
"Nakita mo ba yung tumamang kidlat? Malapit lang yun dito diba?" Tanong ko sa kanya.
Huminto siya sandali sa tapat ko pero hindi niya sinagot ang tanong ko. Nakatingin lang siya sa akin.
Di ko naman maiwasang tignan din siya sa mata. Parang may gusto siyang sabihin na di niya masabi. Hindi ko mabasa ang expression niya. Pero ramdam ko ang lakas ng presensya niya. Bakit ganun?
Parang--
"Le Anne." Ang boses na yun.
Parang nag eecho ang boses niyang tawag ang pangalan ko.
Malamig pero kalmadong boses.
BINABASA MO ANG
The Half ENCHANTRESS
FantasyHow did Le Anne, a sassy girl with weird hobbies and a Human (Pure Human, I mean) became THE HALF ENCHANTRESS? Secrets and Mysteries are waiting as she search for her Long Lost Mother. This is a story of love, family, secrets, mysteries and how adve...