Chap 49: COIN ALA GENIE

942 28 2
                                    

LE ANNE'S POV

"WOW!" nakangangang sabi ko habang nakadungaw sa bintana. Mag isa lang naman ako dito sa unit ko sa sinakyan kong train papunta East Medos kaya kahit mag ignorante ako dito, okay lang.



Grabeh, ang ganda naman ng bagsak ng snow. 



Maya-maya'y may natanaw akong grupo ng mga kabataan na ginaw na ginaw. "Oo nga pala. Para sa mga taga North Kingdom, delubyo ang pagi snow dahil dalawang taon nang di dumadating ang Tagsibol dito."


Pansin ko, liban sa snow, wala namang pinagka iba ang Medos sa mundo ng mga tao. Ang lugar at ang mga tao normal lang. 


Ang mga Medo dito ay normal lang ang suot. Hindi sila yung mga nakasuot ng mga mahahabang robe na gaya ng mga napapanuod ko na mga engkanto sa tv. Shirts and pants lang din. Walang makakahalatang isa akong tao.



Ay hala oo nga pala. 


Speaking of halata. 



Dapat magdisguise ako bilang lalaki. 


Parang mga napapanood ko sa tv. Mahirap sa mga babae ang maglakbay mag isa. Laging nalalagay sa trouble ang mga babae kaya dapat kung lalakad ka mag isa, mas mainam kung nakadisguise ka ng panglalaki. 


Tinignan ko ang sarili ko. Maluwang naman ang jacket ko. Di na mahahalata ang dibdib ko. Maiksi din naman ang buhok ko. 


Alam ko na. Sumbrero na lang. Kapag nakasumbrero ako, hindi na mahahalatang babae ako.



GGRRRROWWLLLL!!!!




Uwaahh, naghuhumiyaw na ang tyan ko. 


Nakakagutom pala mag emote. 


"Huhuh. Sana nandito si Papa para may makausap naman ako tungkol sa mga ganitong bagay. Binilinan naman niya akong ako ng bahala sa lovelife ko at di na niya ako papakialaman pero kailangan ko pa rin ng payo. At kailangan ko rin ng luto niya. Huhuhu."


Naglakad ako papuntang Dining nitong tren. 



Nakita ko ang isang matandang babae na nabunggo ng isang malaking lalaki.


"Paharang harang kasi." sabi pa ng lalaki.


Aba loko yun ah, di man lang tinulungan yung nadapang matanda. Kainis. Pagkalaki-laki ng katawan niya, tapos kung makabangga ng matanda, kala mo, di rin siya tatanda.


Since papunta siya sa direksyon ko, e hinarangan ko na ang daan niya. Naka-cross arms akong humarang sa sigang lalaki.

The Half ENCHANTRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon