LE ANNE'S POV
"ANONG ginagawa mo dito?" Tanong nila sakin animoy mga di mawaring itsura ng pagkagulat ang bungad nila sa akin. Di ko naman sila masisi sa pagtataka.
"Yo !" Nasabi ko nalang habang tumatayo mula sa pagkakabagsak ko... Grabe yung lagusan na yun ha. Nahilo ako dun ha.
"Akala ko, nagpaiwan ka sa pamilya mo?"
- Bianca."Paano ka nakasunod sa amin?" - Choey
"Siguradong nag aalala na sila Mang Leonard sa iyo." - Kuya Hector.
Hinawakan ni Francia ang braso ko. "Halika. Ibabalik kita sa mundo niyo. "
Teka. "Sandali lang po. Di ako pwedeng bumalik."
"Mag aalala ang mga magulang mo." Giit ni Francia. "Malaki na ang atraso ko sa kanila. Ako mismo, sinabi ko na kay Sarah na hindi ko idadamay ang pamilya niyo sa kung anuman ang nangyayari sa Medos."
"Pero ako rin ang dahilan kung bakit nagkakaganito ang mundo niyo. Kung di ako binuhay ng Inang Reyna ni Alfred, hindi mawawala ang balanse nito."
"Teka. Bumalik na ang ala ala mo? Ang kapangyarihan ng Half Enchantress?" Tanong ni Bianca.
Tumango ako. "Hindi niyo maaalis sa akin na maging responsable sa mundong ito. Isa pa... nag aalala rin ako kay Alfred."
"Paano mo nalaman ang tungkol dun?" Usisa din ni Kuya Hector.
"Sinabi sa akin lahat ni Jinky, ay este Gino pala."
~~~ FLASHBACK ~~~
KANINANG UMAGA, abala ang lahat sa pagpapaliwanag kina Mama at Papa tungkol sa pagkawala ng magkapatid na Alfred at Jinky, ay abala kami sa lihim na usapan namin ni Gino.
"Bumalik na ang ala ala mo, tama ba?" Bungad niya sakin habang nakaupo sya sa kama.
Hinawakan ko ang mangas ng damit niya. "Tulungan mo ako."
"Tulungan?"
"Gusto kong gampanan ang tungkulin ko bilang Half Enchantress. Pero alam kong mag aalala sila Mama at Papa pati na si Tita Sarah. Makaka apekto sa kalusugan ni Mama kapag nag alala sya sa pag alis ko."
"Le Anne. Walang nag oobliga sa iyo na ipagpatuloy ang pagiging Half Enchantress. Lahat ng Royal warriors mo, isinuka ang pagiging Half Enchantress mo na yan nang malamang buhay mo ang magiging kapalit para maibalik ang balanse ng mundo ng Medos."
"Pero Gino.... Buhay ng Ina ni Alfred ang naging kapalit kaya narito ako ngayon at humihinga."
"Yun nga ang hindi ko maintindihan e. Bakit binigyan ka pa ng buhay ulit, kung kelangan ka namang isakripisyo para sa mundo nila. Akala ko binuhay ka nila para magmahalan kayo ni Alfred. Tapos ngayon.... "
"Kailangan ko itong gawin. Alam kong may iba pang paraan para maibalik sa dati ang mundo nila. Hindi ko rin hahayaang mamatay ako sa mundo ng Medos. Kelangan ko pang bumawi kay Alfred."
"Speaking of Alfred..." bigla syang napakamot ng ulo. "Ano kase..."
"Nasaan nga pala sya? Totoo bang kasama nya ang mahal na Hari? Huli ko syang nakita ay nung lumabas ang Demonic aura sa kanya."
".... ano kase Lee... Nadakip sya ng mga taga South Kingdom."
"ANONG SABI MO---"
"Shhh. Baka marinig ka nila. Alam mo naman ang lagay ng Mama mo. "
"Paano? Paano sya nadakip?"
"Hindi ko rin alam. Ang nakwento lang sa akin. Nagkaroon ng engkwentro. Natalo nilang lahat ang mga taga South Kingdom. Pero natangay nila ang walang malay na si Alfred."
BINABASA MO ANG
The Half ENCHANTRESS
FantasyHow did Le Anne, a sassy girl with weird hobbies and a Human (Pure Human, I mean) became THE HALF ENCHANTRESS? Secrets and Mysteries are waiting as she search for her Long Lost Mother. This is a story of love, family, secrets, mysteries and how adve...