BIANCA'S POV
"ALFRED, nahihilo ako sa pabalik balik mo ng lakad." sita ko sa kanya dahil sumasakit na ang ulo ko sa ginagawa nyang naglalakad pabalik balik. "Breaktime natin ngayon sa rehearsal so Give me a break please."
"E nag aalala ko kay Le Anne e. Di pa tumatawag sila Basteh mula pa kanina." katwiran niya sa akin. "Huling balita nila sa akin ay nakarating na sila sa huling station ng train. Tapos wala na. Di pa sila komocontact ngayon, Bianca."
Di ko alam na ganyan ka-aborido si Alfred kapag hindi niya kasama si Le Anne.
Kahit pinagsalitaan na siya ni Le Anne ng kung ano ano kanina, di pa rin nagbago ang pagamamahal niya dito.
~~~FLASHBACK (EARLY MORNING)~~~
"PIGILAN mo sila Bianca." sabi ko sa sarili ko habang pinapakinggan ang pamama-alam ni Le Anne kay Alfred. Nakatago ako dito sa isang puno malapit sa kanila. Hindi man ako sang ayon sa mga plano ni Le Anne, pero hindi ko rin magawang kumontra sa desisyon niyang iwan si Alfred. Hindi ko talaga alam ang gagawin. Ayokong masaktan sila ng ganito.
"So to be wise, just be man enough to take your responsibility." sabi ni Le Anne habang nalalakad palayo.
Tumakbo ako sa mga eskinita para malagpasan siya at sasalubungin ko na lang siya. Nakayuko siyang naglalakad habang namumunas ng luha.
"Le Anne." Tumingala siya at umiiyak siyang tumingin sa akin. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya.
"Mali ba ang ginawa ko Bianca?" Yumakap siya ng mahigpit sa akin. "Kanina, buong-buo ang loob kong iwan siya. Pero ngayon, gusto ko siyang balikan." Kahit ako'y di ko alam ang sasabihin ko para pagaanin ang loob niya. Ang alam ko lang nahihirapan siya sa ginawa niya kaya ko siya pinuntahan para may masandalan. "Gusto kong bawiin ang mga sinabi ko at sabihing mahal ko siya. Mahal na mahal ko siya Bianca. Mahal na mahal ko si Alfred. Anong gagawin ko Bianca?"
Napaiyak na rin ako. "Hindi ko rin alam Le Anne e. Pasensya ka na. Hindi ako matalino sa Pag ibig. Hindi ko alam kung anong tama at mali sa ganitong sitwasyon ninyo."
Ilang sandali pa siyang umiyak sa akin. Maya-maya'y namunas siya ng luha at huminga ng malalim. "Wala nang atrasan to. Nasabi ko na ang nasabi ko. Para sa amin din to. Kailangan kong tibayan ang loob ko." Ngumiti sya sa akin kaya napangiti ako. Ganyan ang kilala kong Le Anne. Malakas ang fighting spirit. "Salamat sa pagdamay Bianca."
Umiling ako. "Wala akong naitulong sa inyo Le Anne. Ayokong makita kayo ni Alfred ng ganito. Ayoko."
BINABASA MO ANG
The Half ENCHANTRESS
FantasyHow did Le Anne, a sassy girl with weird hobbies and a Human (Pure Human, I mean) became THE HALF ENCHANTRESS? Secrets and Mysteries are waiting as she search for her Long Lost Mother. This is a story of love, family, secrets, mysteries and how adve...