LE ANNES POV
"NANDITO na nga tayo. Ang galing!" namangha si Tita Sarah sa bilis ng pagdating namin sa probinsya sa tulong ni Basteh. "Di ko alam na ganito pala ka-astig si Basteh."
"Walang anumang Ms. Sarah." sagot ni Tita Sarah. "Pero nakatanggap ako ng mensahe galing kay Master Alfred na ang nakuha daw na flight ticket nila Hector para sa inyo nila Jinky, Iza, at Hanna ay tatlong araw pa mula ngayon."
"Tatlong araw?" ulit ko.
Ibig sabihin, matetengga pa kami dito ng ilan pang araw bago makarating ng Japan. "Mukhang okay na rin yun. Balita ko, may bagyo ring paparating sa Maynila. Sigurado, macacancel din ang flight natin kung nakapagpabook tayo bukas."
"Tama ka Le Anne. Yun din ang nasa isip ni Princess Bianca, kaya pumayag na siya sa nakuha niyong ticket."
Ayon sa plano, kami ni Kuya Hector, at Jinky ay sasakay sa eroplano.
Pero ang concern namin ay kung lahat kami ay pupunta ng Medos, maiiwan si Jinky at uuwi ng mag isa sa Pilipinas.
Kaya napagpasyahan namin na isama na sina Hanna at Iza para kay kasama siya pabalik.
Habang ang mga Medo naman, na sina na Bianca, Alferd at JR na parehong walang passport at document ay gagamitin na lang ang kapangyarihan ni Basteh para makarating doon.
Maya-maya'y nakita ko si Tita na may kausap sa cellphone.
"Ganun ba? Tatlong araw pa po kaming nandito sa bundok. Hihintayin na lang po namin kayo. Take your time." sabay patay ng tawag.
"Sino po iyun Tita?" tanong ko. "May bisita tayo?"
"Ah oo. Ipapakilala ko siya sa iyo pagdating niya."
Napatakip ako ng bibig. "OMG. Tita, ipapakilala mo na ba sa akin ang boyfriend mo bago ako umalis?"
Bigla niya akong binatukan.
"Hindi ko yun Boyfriend. Babae yun."
BINABASA MO ANG
The Half ENCHANTRESS
FantasíaHow did Le Anne, a sassy girl with weird hobbies and a Human (Pure Human, I mean) became THE HALF ENCHANTRESS? Secrets and Mysteries are waiting as she search for her Long Lost Mother. This is a story of love, family, secrets, mysteries and how adve...