Book 2 Chap 4: GET RID OF

758 21 1
                                    

LE ANNE'S POV

"ARAAY" hapo ko sa likuran ko nang maramdamang parang bumagsak ako sa kung saan. Pagdilat ko ng aking mga mata ay namataang nasa sahig na ako. Tinignan ko ang paligid at mukhang nasa silid na ako ng hotel na tinutuluyan namin ni Papa. Nahulog pala ako galing sa kama. "Kelan pa ako nakabalik sa hotel?"

Inalala ko ang mga nangyari bago ako mawalan ng malay.

Ninakaw ang bag ko at hinabol mga magnanakaw. Nagkaroon ng dead end at mga werewolf. Napuruhan ako at. . . At? . . . Anong nangyari pagkatapos?

"Now look at that." isang malalim at malamig boses ang narinig ko mula sa pintuan. Agad ko iyong nilingon at nakita ko ang isang matangkad na lalaki na nakasandal sa pinto. "Ang clumsy mo pa rin pala matulog." parang tinatawanan na niya ako.

"Sino ka ba?" pagsusungit ko. Kung makapagsabi ng clumsy, close kame?

"So di mo pa rin pala talaga ako naalala?" Napakunot noo ako. Nakita ko ang sketchpad sa side table. Pamilyar nga ang mukha niya. "Ehh. Humaba na rin pala ang buhok mo?" waah! Nakalapit na pala siya sa akin.

Nagkaroon ako ng pagkakataong tignan ng mabuti ang mukha nito.

Matangkad, Golden brown hair, matangos ang ilong at ang labi, manipis na mapula.

Teka teka.

Bakit parang attracted ako sa kanya? hmm. (O_O)?

"Kumustang braso mo?" Hinawakan niya ang braso ko at di ako nakapagsalita. "Oi. Nagdi-day dreaming ka ba?" Bumuntong hininga siya. "Kung di mo pa ako naaalala, then magpapakilala ako. Ako si Alfred Pol Coronas. Ang magiting mong boyfriend."

"B-b-boyfriend?" naiintimidate ako pag ganito siya kalapit. "I-Ikaw ba ang sumagip sa akin kanina? Yu-yung kidlat-"

"Ako nga. Sino pa ba? Nagtataglay ako ng lightning at ice magic."

"Sa-salamat sa pagligtas sa akin kung ganun."

"Kung talagang grateful ka? Just kiss me already." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

Ang presko ha. "Anong kala mo sa akin? Oto-oto?"

Di siya sumagot. "Teka nga. Sa kama ka nga maupo at hwag sa sahig." Hinawakan niya ang baywang ko at binuhat na parang bata hanggang sa makaupo ako sa kama. Saka niya ako binitawan. "Eh? Hindi lang pala humaba ang buhok mo. Nagkaroon ka na rin ng konting dibdib."

"WAAHHH!" napatili ako sa sobrang gulat. Bakit kailangan niyang pansinin ang mga ganung bagay.

Ahuhuhu.

Napatakip ako ng dibdib. Saka nakadampot ng unan at inihampas sa kanya. "Lumayo ka nga sa akin, Bastos ka!"

Nakaiwas siya sabay tawa. "Look at that face. I really miss that."

"Hoy Alfred!" napalingon kaming dalawa sa pinto. Naroon na si Jinky. "Sa tingin mo ba madadaan mo si Le Anne sa kahanginan mo. Magtino ka nga kahit konti."

"I'm just being real. Ganito na kami mag asaran noon pa." katwiran niya.

"Siya nga pala." lumapit si Jinky sa amin. "Gusto kong makita si Sir Hector sa lalong madaling panahon. Alam mo kung nasaan siya diba?"

"Si Kuya Hector? Alam mo kung nasaan siya?" Tanong ko dun sa Alfred.

"Apparently, yes." Lumingon siya kay Jinky. "And what business do you have wih that bastard?"

Bastard? "Hwag ka ngang magsalita ng ganyan kay Kuya Hector."

Lumingon siya sa akin. "Oo nga pala. Wala ka palang naaalala. Ang alam mo lang, siya ang Kuya Hector mo na crush na crush mo diba?" sarcastic niya sa akin.

The Half ENCHANTRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon