Chap 39: SUNSET'S PROMISE

1.1K 40 0
                                    

JINKY'S POV


"BAKIT dadalhin niyo siya dun?" angal nila Hanna nang ibalita ni Basteh ang mensahe ni Bianca.




Dadalhin daw ako sa quarters ng mga Medo para icheck kung nagtataglay pa ng Demonic Aura sina Wendy. Pero nag aalala ang sina Iza at Hanna.



"At saka bakit nakipagkasundo pa kayo sa mga yun? E diba kulong na nga sila?" back up ni Iza.




"Maging ako ay hindi sang ayon sa pakikipagtulungan sa kanila. Matapos nang ginawa nila kay Jinky? NO WAY!" konsente pa ni JayR. 




"Pero diba sabi ni Princess Bianca, nakausap na niya si Jinky tungkol dito?" sabi ni Basteh kaya napalingon silang lahat sa akin.




Ako naman ay nagsulat sa white board ko at pinakita sa kanila. 





'Oo. Napag usapan na namin ni Bianca ang tungkol dito. Isa akong Aura Detector. Pagdating sa descision-making, sina Bianca at Sir Hector na ang bahala sakin.'




"Sigurado ka ba?" hinawakan ni JayR ang kamay ko. "Kung napipilitan ka lang, tutulungan ka naming magpaliwanag sa Prinsesa. Nang dahil sa kakayahan mo kaya ka napapahamak."




Hayy ano ba yan, ang hirap iexpress ang thoughts sa sulat lang. 




Paano ko ba sasabihin, bayad na ang serbisyo ko. Wala nang atrasan to, isa pa, I need to do my job.



'I need to warn everyone in danger. I want to be part of the success of this mission. Tanggap ko ng may kaakibat na panganib ang kakayahan ko. But still I want to be useful to everyone.'




"Nakakatakot magkaroon ng kaibigang maraming alam." sabi ni Hanna kay Iza.




"E anong gagawin natin? Desidido siya?" sagot naman ni Iza kay Hanna. 




"Kung yan ang gusto mo." sabi ni JayR sabay buntong hininga. Bumaling siya kina Hanna at Iza. "Gagawin namin lahat ng aming makakaya para protektahan siya."

The Half ENCHANTRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon