Book 2 Chap 3: FORGOTTEN LOVE

767 22 0
                                    

LE ANNE'S POV

NAGLALAKAD kami ni Papa pabalik sa Hotel. Kakatapos lang naming maggrocery.

Maya maya'y tumunog ang cellphone ko. Kukunin ko palang sana ang cellphone sa shoulder bag ko nang . . .

Biglang may humablot ng bag ko. At mabilis na tumakbo.

Natigilan ako sandali at napaisip. Ayaw ni Papa na makita akong umaaksyon kaya wala sana akong balak habulin pa ang magnanakaw. Ang laman lang naman nun ay

coin purse ko - walang laman na perang papel yun. Nasa isang bag ko na nasa hotel lahat ng pera ko.

Cellphone - luma na yun. Balak ko na ngang palitan e.

at Sketchpad . . . .

Sketchpad?

Yung sketchpad na may mga sketches ko tungkol sa mga Medo.

Nasa bag nga yung sketchpad.

"Shoot." Lumingon ako kung saan tumakbo ang magnanakaw at hinabol ito.

"Lee, wag mo nang habulin." rinig kong sabi ni Papa pero di ko siya sinunod.

Hinahabol ko pa rin ang magnanakaw.

Medyo hindi pala komportableng tumakbo kapag mayroon ka nang konting hinaharap. Hindi ako sanay. All my life, flat chested ako. Neto lang, medyo bumibilog na siya di ko malamang dahilan. Eeee bahala na. Kailangang kong mabawi yung bag ko.

Sa paghabol ko sa magnanakaw ay may biglang sumabay na isa pang lalaki sa pagtakbo. Kahit ilan pa sila hindi ako natatakot. Alam kong kapasidad ko at alam kong kaya ko silang talunin.

Kailangan kong makuha ang sketchpad. Kailangan kong maibalik ang ala ala ko para maibalik ang healing magic ko.

Kailangan ko ang healing magic para mapagaling si Tita Sarah. At sinumang mahal ko sa buhay na nasa panganib.

Lumiko sila sa isang iskenita at lumiko din naman ako. Pagliko ko ay mukhang deadend na at wala na ang kumuha ng bag ko. Kung ganun, saan sila pumunta? Lumapit ako sa bakod ng deadend at tinignan kung maaari ko itong akyatin.

Pagtingala ko sa taas ay tila may nahulog o pasugod sa akin mula sa taas. Mabilis akong naka iwas at bumagsak sa maraming kahon sa gilid ng deadend.

Nang makita ko kung ano ang sumugod sa akin ay nagulat ako sa hitsura nila. Dalawang mukhang werewolf.

"Shoot. What the. . ." lalabas na sana ako ng kanto nang biglang humarang ang dalawang Werewolf.

Tinignan ko sila ng masama. "I'm not yet scared. I can still fight." napatingin ako sa braso ko. Nagkasugat pa rin pala ako kahit nagawa ko na silang iwasan.

Geez. Dahil wala akong healing magic, mukhang di na maghihilom ng kusa ang sugat ko.

Hindi ko maigalaw ang kaliwang braso ko.

Naka-angil na sa akin ang dalawang werewolf na ito.

Bigla kong nakita ang bote sa gilid ko. Dinampot ko iyun at binasag ang pwetan ng boter
sa pader. "Akala niyo ba natatakot ako sa inyo? Come on. Let's get it on!" hamon ko sa kanila.

Malakas ang loob ko. May armas na ako. Okay na itong basag na bote kaysa wala. Sabay silang sumugod sa akin sa magkaibang direksyon.


Well dahil sa matalas ang paningin ko, nakita kong mas maunang makakalapit sa akin ang nasa bandang kanan ko, kaya umiwas ako at the same time, sinugod narin ang nasa kaliwa.





The Half ENCHANTRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon