LE ANNE'S POV
"MAINAM ngang dito na lang tumira sina Jinky." sabi ni Papa habang nagpupunas ng mesa. Ako naman ay naghuhugas ng mga plato at mga pinaglutuan ni Papa. Kakatapos lang namin maghapunan.
"Kahit naman di na sila magbayad ng renta. Sa kuryente at tubig na lang sila siguro makihati sa atin."
"Talaga? Naku matutuwa yung tatlong yun."
naikwento kasi sa akin ni Jinky na may bagong lipat daw sa kalapit nilang kwarto.
At hindi niya napupusuan ang aura noon kaya gusto niya sanang lumipat sila nila Hanna at Iza.
Kaya inoffer ko ang isang kwarto dito sa bahay.
Well, napakalaki nitong bahay na nabili nila Papa noon para sa aming dalawa lang.
Palibhasa mahigit isang dekada na nang mabili itong bahay.
Mura pa ang bahay noon.
"Malaki para sa ating dalawa ang bahay na ito. Isa pa natutuwa ako sa kakulitan nilang tatlo. Siguradong lalong magkakabuhay ang bahay pagdating nila."
Natapos na rin ako sa paghuhugas. "Sinabi mo pa, Papa. Ang kulit nilang tatlo kung alam mo lang."
BEDTIME. . .
"Bakit ba hindi ako makatulog?" nakailang balikwas na ako sa kama ha. Kulang na lang tumambling ako dito ng paulit ulit.
"Hindi ko kasi magets ang ibig sabihin ni Jinky kanina e. Sabi niya iiexplain niya pero mas lalo akong naguluhan."
"Then I will explain, Baby Girl. . . According to your Aura, masaya kang kasama si Sir Hector. But it doesn't mean you love him. You're the type of person, you value the people around you, at isa siya dun. Importante siya sa iyo kaya feeling mo, importante din kung anong nararamdaman niya. Pero ang totoo niyan, isa lang siya sa amin ni Mang Leonard. I've seen that Romantic Aura of yours, once. At yun ay hindi yun kay Sir Hector, instead to the person you're missing right now."
BINABASA MO ANG
The Half ENCHANTRESS
FantasyHow did Le Anne, a sassy girl with weird hobbies and a Human (Pure Human, I mean) became THE HALF ENCHANTRESS? Secrets and Mysteries are waiting as she search for her Long Lost Mother. This is a story of love, family, secrets, mysteries and how adve...