Book 2 Chap 15 : AWAKEN

679 15 3
                                    


BIANCA'S POV

"HINDI nararapat kay Le Anne ang mga talunang gaya mo Alfred." pagmamayabang ni Hector sa bumagsak na si Alfred.

Naglalaban ang magpinsan na to sa di ko mawaring dahilan. Malamang inis si Alfred nang maabutan niyang magkayakap si Le Anne at si Hector kanina. Dagdag pa yung pagkatalo niya sa huling laban nila. Pero wala nang Demonic aura si Hector e. Di na dapat sila maglaban

Talaga ngang napakalakas ni Hector. Walang duda. Pero pagdating kay Le Anne, siguradong hindi magpapatalo si Alfred.

Sinubukang sipain ni Hector si Alfred ngunit gumulong si Alfred paiwas sa kanya.

Gumawa si Alfred ng yelo mula sa katabi naming pampang at pinwesto ang mga icycles sa ibabaw ni Hector animoy babagsakan sya ng mga ito.

"Nakakalimutan mo na bang elemento yan ng tubig at kaya ko rin yang tunawin gamit ang apoy?" malaking apoy ang pinakawalan ni Hector at nalusaw ang mga ito't tubig na ito nang bumagsak sa kanya.

Habang tinitignan ko si Hector, pakiramdam ko nagegets ko na kung bakit niya nilalabanan si Alfred.

Parang bumubuhos ang ulan sa paligid niya.

"Hindi pa ako tapos." animo'y pumitik si Alfred at tumama ang maliwanag na kidlat kay Hector at bumagsak ito sa lupa.

"Nagawa niya!" Masayang sigaw ni Francia. "Natalo niya si Hector." Tumakbo pa ito papunta sa kanila.

Napasunod din kami ni Le Anne. "Talagang nagpalakas si Alfred para sa iyo Lee."

"Hindi naman talaga balak ni Kuya Hector na ilayo ako sa kanya e."

"Well. Kung hindi iyun ginawa ni Hector, hindi magpupursigi si Alfred. Gusto lang naman talaga ni Hector, may makatapat at tumalo sa kanya sa laban. At alam niyang si Alfred yun."

Nagkatinginan pa si Alfred at Le Anne. Si Alfred na ang unang lumapit at niyakap niya ito. "Hwag mo nang uulitin yung ginawa mo kahapon. Halos mabaliw ako sa pag aalala."

Napayakap din si Le Anne. "Pasensya ka na kung napag alala kita. Pwede bang wag ka nang aalis ng di nagpapaalam."

Mukhang happy ending na ang dalawa. Uumpisahan ko naman ang pagdiagnose ng mahika ni Hector. Titignan ko kung mayroon siyang mahika para maibalik ang kaluluwa ni Tita Sarah.

Dinala muna namin si Hector sa hotel kung nasaan sila Jinky. Doon na namin siya hinintay magkamalay.

Mukhang di rin naman nakahalata sila Mang Leonard sa panandaliang pagkawala ni Le Anne. Ang alam lang nila natalo si Hector sa laban.

ENZO'S POV

"ALAM na ba ng Mahal na Hari na buhay ang anak nitong si Choey?" galit na tanong sa amin ng Mahal na Reyna Rie. Nandito kami ngayon sa bulwagan ng pagpupulong at di niya pinapunta ang Mahal na Hari. Halos isang taon siyang wala dito sa South Medos at walang nakakaalam kung saan siya nagpunta.

"Hindi pa po Mahal na Reyna. Isang sundalo pa lamang ang nag ulat sa amin, at wala pa itong kompirmasyon. Kung kaya't di pa ito naiulat sa Mahal na Hari."

"Kung sinasabi ninyong kompleto na nga ang mga Royal Warriors, sino naman ang naging Royal Warrior of the East."

"Mula po sa mundo ng mga tao na si Hector."  sagot ng katabi kong sundalo na si Nelo.

Tila natigilan ang Mahal na Reyna. Malamang nanlumo itong malaman na kompleto na ang mga Royal Warriors.

Nagpatuloy si Nelo "Natagpuan siya nila Prinsesa Bianca at inanunsyo nila ang pagiging Prinsipe nito noong Engagement din. Ayon sa research nila ay tumakas daw ang babae ng Hari ng East Medos na si Hercules. Nagtungo ito sa mundo ng mga tao bitbit ang anak nilang si Hector--"

The Half ENCHANTRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon