BIANCA'S POV
"GOOD Job Everyone!" sabi ko sa kanila nang maiprepare namin lahat ng kailangan sa Birthday party ni Le Anne. Ilang minuto na lang ay darating na si Le Anne.
"Wow. Ang galing natin." sabi ni Iza.
Habang nakatingin sa buong sala. Maganda nga naman ang pagkakadecorate namin.
"Oo nga. Di ako makapaniwala na nagawa natin to." sabi ni Hanna habang pumapalakpak.
"Alfred." tawag ni Mang Leonard kay Alfred.
"Magpalit na tayo ng damit."
"Sige." maiksing sagot niya. Biglang nagtama ang paningin naming dalawa at bigla akong umiwas ng tingin.
Hindi ko pa alam paano ko siya kakausapin matapos ng pag uusap namin noong isang araw.
Ang awkward.
"May problema ba?" biglang tanong ni Jinky. "Biglang nag iba ang araw mo? May problema ba kayo ni Alfred?"
~~FLASHBACK (PAGKA-ALIS NI LE ANNE)~~
"OKAY! First Mission Accomplished." sabi ni Hanna nang makaalis sina Ms. Sarah, Basteh at Le Anne.
"Pwede na tayong magsimula sa paghahanda ng Birthday Party ni Le Anne." - Iza
"Tara. Gawa na muna tayo ng layout para makagawa rin tayo ng listahan ng bibilhin." tawag ni Jinky kina Hanna at Iza.
Nilapitan din naman siya ng dalawa.
"Bianca." napalingon ako kay Alfred. "Pwede ba tayong mag usap?"
Bakit parang ang seryoso niya.
May nangyari ba?
"O-okay. Tungkol saan?"
Sumenyas siya sa akin na pumunta kami sa terrace at nagsimula rin naman siyang maglakad habang ako ay nakasunod sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Half ENCHANTRESS
FantasyHow did Le Anne, a sassy girl with weird hobbies and a Human (Pure Human, I mean) became THE HALF ENCHANTRESS? Secrets and Mysteries are waiting as she search for her Long Lost Mother. This is a story of love, family, secrets, mysteries and how adve...