Chap 9: SHIP UNDER ATTACK

2.1K 64 5
                                    



ALFRED'S POV

"Noong pitong taong gulang si Le Anne, nalunod siya sa isang ilog. Sinubukan siyang sagipin ng mga Medo na naglalakbay sa bundok pero huli na ang lahat.  Wala ng buhay si Le Anne" kwento ni Mang Leonard sa akin. 




Di ako makapaniwala. 




Ang Bansot na iyun? 




Namatay? 




"Namatay siya? Kung ganun, paano siya nabuhay?"




"Binuhay siya ng isang Medo. Hindi nila alam na ang buhay ng Medo ang kapalit ng pagbuhay kay Le Anne. Nagulat na lang sila nang magkamalay si Le Anne ay siya rin namang namatay ang Medo."




"Medo na kayang bumuhay ng tao. Mayroon bang ganun?" Parang meron nga. Parang may narinig na akong ganoong kwento pero di ko maalala kung saan ko narinig iyun.



"Pinapanagot nila si Le Anne sa pagkamatay ng Medo pero umalma si Annie at sinabing siya na lang ang parusahan nila at hayaan magkaroon si Le Anne ng normal na buhay. Kung gusto nilang tanggalin ang alaala ni Le Anne ay isama na nila ang alaala tungkol kay Annie para hindi na siya nito hanap hanapin." Parang pamilyar ang kwentong ito.




"Nasaan po ba kayo ng mga oras na iyun?"




"Nasa trabaho ako noon. Pagdating ko ng hapon ay sandaling ikiwento ni Annie sa akin ang nangyari. Kailangan niya raw akuin ang pagkamatay ng Medo at alagaan ko ng mabuti si Le Anne. Gaya ng binilin niya, binuhay ko si Le Anne at pinaniwalang namatay si Annie sa pagsilang sa kanya. Lumaki naman si Le Anne na mabuting bata. Gaya ng inaasahan, dahil sa pag aakalang patay na si Annie ay hindi na niya ito hinanap hanap."





"Kung ganun paano po niya nalaman na buhay pa ang Mama niya?"






"Noong nakaraang taon, mayroong isang Medo ang nakakita kay Le Anne at napagkamalan siyang si Annie. Hindi ko napigilan ang pag uusap nila at naikwento na lahat ng Medo ang tungkol kay Annie. Noong una ay sumama ang loob niya sa akin dahil sa pagsisinungaling ko. Pero ilang linggo rin ay napatawad niya rin ako. Simula noon ay naghahanap hanap na siya ng Medo na pwedeng makatulong sa kanya para makita ang Mama niya."

The Half ENCHANTRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon