LE ANNE'S POV
"TULONG!" sigaw ko sa loob ng opisina ng Institution na nasa First Floor. "Tulungan niyo ang mga nasa Basement 2!" mukhang narinig naman ako ng mga staff doon kahit hindi nila ako nakikita.
Nakakainis kasi, binigay kasi sakin ni Kuya Hector ang Materia na naglalaman ng Invisible Powers.
Kaya heto, Invisible na ako. At saka wala rin sa plano na maglaban si Kuya Hector at Baccus.
Wala sa plano na magdudulot sila ng ganitong damage sa Institution.
Kung alam ko lang na magwawala sila, hindi ko na sana pinatulog ang mga Staff sa Basement 2.
Madami ng nawawasak sina Hector sa paligid.
Kapag di namin mailabas ang mga nasa basement, baka mailibing sila doon ng buhay.
Nakaisip ako ng magandang ideya nang marinig ko ang boses sa mga speaker.
Tumakbo ako papuntang Control Room at inagaw ang microphone sa nagsasalita ng SOP.
"Kung hindi mapipigilan ang laban ni Hector at Baccus, mas mainam na lisanin na natin ang buong Institution." Hindi ko pinansin ang takot na reaction ng mga nasa Control Room.
"A-Anong nangyayari? Lumilipad ang mcrophone?" Nagtataka sila kung sino ang may hawak ng microphone na hindi nila nakikita.
"Teka, boses ni Le Anne yun ha."
"Pero bago yun, tulungan nating makalabas sa Basement 2 ang lahat ng staff ng Project Medos. Pakiusap. Iligtas niyo sila." pakiusap ko.
Napalingon ako sa mga CCTV surveilance.
May mga pumunta na ng Basement 2 para iligtas ang mga nandoon.
"Salamat naman."
"LEE!" biglang lumitaw si Kuya Hector sa bintana. Hinahanap niya ako pero malamang di niya ako makikita dahil invisible ako. "Alam kong nandito ka Lee. Bakit di ka pa umaalis? Bilisan mo at umalis ka na dito."
BINABASA MO ANG
The Half ENCHANTRESS
FantasyHow did Le Anne, a sassy girl with weird hobbies and a Human (Pure Human, I mean) became THE HALF ENCHANTRESS? Secrets and Mysteries are waiting as she search for her Long Lost Mother. This is a story of love, family, secrets, mysteries and how adve...