Chap 35: POISON

1K 41 2
                                    

HECTOR'S POV


"KUMUSTA po si Le Anne?" tanong sa akin ni Sebastian nang makarating siya sa Apartment na nirentahan ko. 


Mataas ang lagnat ni Le Anne pero hindi ko naman siya pwedeng dalhin sa hospital. Kaya nagrent ako ng apartment na malapit sa Hospital. Para may matuluyan na rin kaming lahat. Kaninang umaga kasi ay sinabihan kami ng mga Doctor na hindi raw pwede ang ganun karaming bisita sa hospital. 




"She's unconcious. Kanina pa. Hindi ko alam kung bakit siya nawalan ng malay. Alam mo namang hindi ko siya pwedeng dalhin sa hospital diba? Kaya pwede bang tignan mo muna siya habang wala si Bianca." 




Pinulsuhan niya ito sa wrist at likod ng tenga nito at napabuntong hininga. "Nalason siya."




"Ha? Paano nangyari yun?" Parang nayanig ang mundo ko. Ganito pala ang feeling ni Bianca kapag natataranta. "A-anong klaseng lason? Mapanganib ba ito?"




"Hindi ko pa sigurado. Kukuha ako ng mga syringe kay Princess Bianca. Mas mainam na makuhanan ka rin ng Blood Sample. Baka nalason ka rin ng di mo nalalaman." Sabi niya sa akin at bigla siyang naglaho. 



Damn. 



How could this happen? 



Paano to nangyari nang di ko namamalayan? 



Di kaya sa mga pagkain namin? 



Sila Wendy kaya ang may kagagawan nito? 



Pero gaya ng sabi ni Bianca, hindi kami dapat magbintang pero hndi rin ako dapat magtiwala basta basta.




"Le Anne." 



She's suffering from a high fever. 



What should I do? 



What should I do to ease her pain? 



What should--




I fainted. 

The Half ENCHANTRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon