CHAP 58: SILENT GRIEF

909 28 3
                                    


JINKY'S POV



"PAKAWALAN mo ako mangkukulam." Palag sa akin ng Tiyanak na si Choey. Tinali ko kasi siya sa harapan ko para tahimik na makatulog ang lahat. Pumapalag siya sa harapan ko pero di siya makaalis. Matibay ang pagkakagawa dito ni Heidi para sa malilikot na bata gaya niya. 



"Hindi pwede." Nakarating na kami sa kwarto niya at humiga na kami ng magkatagilid. "Matulog ka na." 



Bigla siyang nagpalabas ng mga Evil Spirits. "Magsisisi ka." 




Napabuntong hininga na lang ako. "Nag aaksaya ka lang ng kapangyarihan. Hindi ako takot sa mga ganyan."



He sighed. Mukhang suko na rin siya. "Bakit di ka natatakot sa mga multo?"



"Dahil sanay na akong makakita ng mga multo." sagot ko. 



"Kailan ka pa nakakakita ng multo?" 



"Mula nang magkamuwang ako. Nakikita ko na sila." 



"Nasaan na ang mga magulang mo?" Hindi ako sumagot at nagtulog tulugan na lang ako. Ayokong sagutin ang tanong niya.



"Oi tinatanong kita." Di pa rin ako sumagot. Maya-maya'y naglikot na siya. "Oi alam kong gising ka pa. Sagutin mo ang tanong ko, Mangkukulam." 





Kainis naman e. Talaga yatang walang balak magpatulog ang Chanak na to ha.



"Sumagot ka nga--"



"Interview ba to tungkol sa akin? Bago ko sagutin ang tanong mo, Sabihin mo sa akin kung sino ka ba talaga. Bakit ang bilis mong lumaki? Diretso ka na agad maglakad at magsalita, Paano nangyari yun?" 




"Ang dami mo naman tanong." angal niya. "Iisa isahin ko. Ako si Prince Choey ng South Medos."




"Prince Choey ng South Medos?"




"Oo nga. 12 yrs old ng unang beses akong mamatay." 



"Unang beses mamatay? Anong ibig mong sabihin?"



"Ang angkan ng aking Ina ay mayroon tatlong buhay. Oras na mareincarnate kami ay nag iiba kami ng kasarian. Kaya kung lalaki na ako ulit ngayon, ibig sabihin nagamit ko na rin ang pangalawang buhay ko. At ito na ang huling buhay na meron ako."

The Half ENCHANTRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon