Book 2 - Chap 20: SWITCH

453 9 5
                                    

[[[ SOUTH KINGDOM PALACE...

QUEEN RIE'S POV

"MAGANDANG balita Mahal na Reyna." bungad sa akin ni Wendy habang nakaluhod sa harapan namin ng Haring Phineo. Ang Hari ng South Kingdom.


"Ano ang iyong magandang balita?" sana ngay maganda ang ibabalita mong iyan.


"Nagwagi po si Prinsipe Alfred laban sa mga taga West Kingdom. Pabalik na po sila ngayon sa palasyo."

"Magaling kung ganun."

"Ang galing talaga ni Prinsipe Alfred." Rinig kong bulong niya na para bang kinikilig pa ito.

Haays. Panay talaga ang build up niya kay Alfred. Palibhasa patay na patay siya dito. "Any news about Hector and Choey?" tanong ko na nagpatanggal ng excitement niya.

"Wala pong balita, Mahal na Reyna." nahihiyang sabi niya. "Huling balita ko po Nakarating sila sa palasyo ng West Kingdom."


"At kay Alfred ka lang may balita ano?" pambihira. "Yung utos ko nga sa inyo nila Enzo, dakpin si Hector at Choey. Pero ang kinuha mo talaga, si Alfred?"


"Naisip ko po kase, Kung mayroon tayong hawak na isa sa kanila, siguradong pupunta rin sila dito para iligtas iyun. Kaya nang makahanap po ako ng pagkakataon, kinuha ko po si Alfred."

Kung di lang siya matalino, matagal ko na siyang pinabayaan. Hayyss. Sayang ang talino, tanga naman pagdating kay Alfred.


(Author's note: Sa mga nakalimutan na si Wendy, check nio nalang siya sa Japan Arc ~ Chap. 32 -43...)


"Aking Mahal na Reyna." tawag sakin ni Haring Phineo. Tulala siyang nagtanong sa akin. "May balita na ba kay Choey?"

Tumabi ako sa kinauupuan niya. "Wala pa Mahal." malambing na sagot ko. "Nag aalala ka na ba sa anak mong Prinsipe?"

Umiling siya. "Hindi ko lang inaasahan ang ibinalita mo sa aking buhay pa siya."

Nakita ko ang Doktor ng palasyo na mag aabot na ng arawan niyang gamot. "Wag kang mag-alala Mahal na Hari. Babalik din ang Prinsipe Choey sa palasyo natin."

Sinenyasan ko ang Doktor na lumapit na sa Mahal na Hari at painumin ng gamot.

"Gamot niyo po Mahal na Hari." pinainom niya sa Mahal na Hari ang dalang likidong nasa mangkok

Kunwari ay gamot lang iyun ngunit ang totoo. Gayuma iyun para patuloy na mapasunod ko ang Mahal na Hari sa lahat ng gusto ko.

"Salamat" tugon ni Haring Phineo sa Doktor na agad din namang umalis.

"Mukhang nakabalik na po ang Prinsipe Alfred." biglang sigaw ni Wendy.

As if naman ma magandang bitbit tong si Alfred pagbalik.


[[[ WEST KINGDOM PALACE...

MIKKA'S POV

"AMANG HARI..." tawag ni Ate Bianca sa aming Ama. Ngunit tila wala itong naririnig at patuloy parin ito sa paglalakad. Habang kami naman ni Ate Bianca ay patuloy ang pagsunod sa kanya.

"Amang Hari." Hindi pa rin ito lumilingon sa tawag ni Ate Bianca. "Amang Hari." Tumakbo na siya at humarang sa dadaanan ng aming Ama.

"Buo na ang desisyon ko Bianca." Madiin na sagot ng aming Ama sa kanya.

"Pero --"

"Dahil isa na sa mga taga South Kingdom si Alfred. Puputulin ko na ang ugnayan sa kaharian ng North Kingdom. Ibabalik natin ang mga mamamayan ng nila sa kanilang kaharian..."

The Half ENCHANTRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon