ANNIE'S POV
"THAT Bratt is so Alfred." rinig kong sabi ni Jinky. habang pinapanood namin ang nangyayari sa stage.
This is the Final Round para sa Idol of Youth. The final showdown. Mga bata ang final judges.
Nakuha na ni Bianca ang atensyon ng mga bata dahil sa maganda niyang damit at kaalaman sa pakikipag usap sa mga bata.
Tumitingin ako minsan kay Alfred at kalmado lang siyang nanonood. I wonder kung anong tumatakbo sa isip niya.
May isang batang lalaki na lumapit kay Le Anne . Actually kanina ko pa nakikitang nakatingin siya kay Lee. Animo'y gusto niya itong lapitan habang naglalaro ng yoyo at trumpo.
"Jinky." tawag sa kanya ni Choey. "Hindi kaya, padalang tulong din ni Alfred yung si Paul?"
Umiling siya. "Wala akong nakikitang bakas ni Alfred o kahit anong mahika sa batang yun." Lumingon siya sa pwesto ni Alfred. "Siguro, talagang may 1 out of 15 persons ang mas gugustuhin si Le Anne over Bianca."
Napangiti ako. "Tama ka."
"Hindi ah." biglang kontra ni Leonard. Napalingon kaming lahat sa kanya at nakangiti siya sa amin. "Hindi lang 1 out of 15 ang nagkagusto sa kanya. Tignan niyo." bumaling siya sa stage dahilan para mapalingon din kami doon.
Isa isang lumalapit ang mga ibang bata habang nagtatawanan sina Le Anne at Paul.
"Sali ako. Gusto ko rin po nyan."
"Ako rin po."
Tuwang tuwang inasikaso ni Le Anne ang mga bata. Ngunit nang halos lahat na ng bata ay nakikipaglaro sa kanya, ay halos daganan na siya ng mga ito.
"Bianca!" tawag ni Le Anne sa nag iisang si Bianca. Nakaupo na lamang kase ito sa harap ng piano at wala nang batang nakikipaglaro sa kanya. "Uhm. Pwede mo ba akong tulungan sa kanila? Sali ka sa amin!"
"Ako?" ulit niya.
"Sige na please. Di ko sila kayang i-accomodate lahat." hinila ni Le Anne ang kamay niya at pinahawak ang kabilang dulo ng jumping rope.
"Anong gagawin ko?" tanong niya kay Le Anne.
"Sabayan mo lang ang ikot ng kamay ko." sagot ni Le Anne. Saka ito bumaling sa mga bata. "Oh alam niyo na sinong mauuna ha. Nagrupo ko na kayo kanina."
Masaya silang naglaro kasama ang mga bata. Sinisigurado nilang nakakapaglaro ang lahat at walang naa out of place.
May mga naririnig akong bulong bulongan ng audience tungkol kay Le Anne.
"Akalain mo yun, nahandle ng number 20 ang mga bata."
"Baka naman kaya niya talagang ihandle. Naunahan lang sya ni number 10 kanina."
"Napaka-competitive lang talaga si Number 10 kaya napag iwanan si Number 20."
"Pero infairness kay Number 20. Kanina pa sya nadedehado na parang minamalas. Pero nakakalaban pa rin siya. She's my bet. "
"Ako rin. Gusto ko si Number 20"
Marami nang nakakapansin kay Le Anne. She's really amazing actually. Para talaga syang younger version ni Sarah.
Sa sobrang enjoy nila sa paglalaro ay di na namalayan ang oras.
"Time's up kids!" sigaw nang host para matigilan ang lahat. "Come on kids. Tapos na ang playtime. Come forward kids."
"Now, Just after that joyful playtime. Kids, pwede bang pumili na kayo kung sinong mas gusto niyo? Si Ate Bianca ba or si Ate Le Anne niyo?"
Napapalingon ang mga bata paulit ulit kina Le Anne at Bianca. "Bakit kailangan po naming mamili?" sabi ng isang bata.
BINABASA MO ANG
The Half ENCHANTRESS
FantasyHow did Le Anne, a sassy girl with weird hobbies and a Human (Pure Human, I mean) became THE HALF ENCHANTRESS? Secrets and Mysteries are waiting as she search for her Long Lost Mother. This is a story of love, family, secrets, mysteries and how adve...