LE ANNE'S POV
"SANA hindi galit si Bianca." sabi ko habang nakaupo sa kama niya. Hinihintay ko siya dito sa loob ng kwarto niya. Sabi niya sa akin, mag uusap kami dito sa silid niya. Kaso lumabas siya sandali.
Nanlaki ang mata ko nang marinig ko ang isang familiar na boses.
"Ano bang sira sa kwarto niya? Huling gabi na nga niya, nag iinarte pa." Napalingon ako sa pinto at nakita ko si Kuya Hector na kakapasok ng kwarto.
Parang bigla akong kinabahan.
Ano ba yan.
Ano bang dapat kong irereact?
Taranta mode.
Taranata mode.
Teka, bakit ba ako nenerbyosin?
Dahil sa nangyari sa amin ni Alfred kanina?
Ang feeling ko naman ko namang kung iisipin kong affected siya.
Ano ba ito.
Para na akong timang. Kinokontra ko ang sarili ko.
Nagulat kaming dalawa nang biglang sumara ang pinto.
Napatakbo tuloy ako sa pinto para subukang buksan iyun.
Pero hindi ko mabuksan kaya kumakatok ako.
"Teka, palabasin niyo kami rito."
Narinig ko si Bianca sa kabila ng pinto. "Relax ka lang Le Anne. Bawi ko ito sa paggawa mo ng paraan kanina para paglapitin kami ni Alfred. Mag usap na kayong dalawa. Wag ka ng mag inarte Hector, kanina pa ako naiirita sa iyo." mukhang umalis na rin siya agad.
"Mukhang nabiktima tayo ng Bratenella na yun ah." sabi ni Kuya Hector. Agiihh ano ba yan. Kinikilig ba ako? O kinakabahan.
BINABASA MO ANG
The Half ENCHANTRESS
FantasiHow did Le Anne, a sassy girl with weird hobbies and a Human (Pure Human, I mean) became THE HALF ENCHANTRESS? Secrets and Mysteries are waiting as she search for her Long Lost Mother. This is a story of love, family, secrets, mysteries and how adve...