Book 2 Chap 1: A PIECE OF HER MEMORY

1K 26 4
                                    

LE ANNE'S POV

"UWIAN time na!" masiglang paalam ko kina Kuya Macoy at Jayus nang pumatak na ang alas sais ng gabi sa Restaurant.

"Ingat ka sa pag uwi Lee." Nakangiting kaway sa akin ni Jayus.

"Ang bilis nga naman ng oras oh. Patapos na pala ang shift ni Le Anne. Kasabay mo bang uuwi yung mga boardmates mo?" Sabi sa akin ni Kuya Macoy bago ako pumasok sa staff room.

"Ah opo. Dyan lang naman sila sa kabilang building at alas sais din ang out nila sa trabaho." Paliwanag ko at nagsimula na akong magpalit from uniform to casual.

Pagkalabas ko ng staff room ay nasalubong ko ang Supervisor naming si Madam Sheree. "Oh Le Anne, pauwi ka na ba?"

"Opo Madam." Nakangiting sagot ko.

"Maalala ko lang, malapit na ang pasukan, may naisip ka na bang kurso? Magpapart time ka pa rin ba sa restaurant?"

Napakamot ako ng ulo. "Wala pa po akong naiisip na kukuning kurso. Pero nakapag usap na po kami ng mga magulang ko na hihinto na ako sa pagtatrabaho para makapagfocus ako sa pag aaral."

"Ganun ba? Sayang napakasipag mo pa man din." Panghihinayang niya. "Kung sa bagay, sa sipag mong yan siguradong magiging successful ka."

"Salamat po Madam."

Napalingon siya sa entrance. "Mukhang sinusundo ka na ng mga kaibigan mo."

Nakita ko rin doon sina Iza, Hanna at Jinky. "Ah, sige po Madam. Mauna na po akong umuwi."

Hi! I'm Le Anne Madrigal, 19 yrs old. Highschool graduate. Unfortunately, di pa ako nakakapagcollege dahil busy pa ako sa paghahanap kay Mama last year and nang makabalik na siya sa amin, nahirapan naman akong pumili ng course na kukunin ko. Kaya heto, part time service crew muna ako sa restaurant malapit sa trabaho nila Papa habang nag iisip pa ako ng kukuning kurso. Nakapag ipon na ako ng pang enrol ko. Course na lang talaga ang kulang. Madami dami ang ipon ko ha, pwede kaya akong maglawyer or magdoctor sa laki ng ipon ko. Echos lang. Hahahaha.

Wala naman kaming financial problem e. Actually nagulat nga ako sa laki ng ipon ni Papa e. Mantakin mo, mula pagkabata ko, nakatira lang kami sa bundok, tapos yung kinakain namin ay bahagi ng ani niya at ang mga benta nito'y nakatago lang at ilang taon nang naiipon sa ilalim ng kama niya. Imagine that. Iba talaga pag mahusay magluto. Resourceful. Kayang kayang matipid nang hindi kami nagugutom.

Kung sa bagay, wala naman kaming gastusin sa bundok e. Makakain lang kami ng tatlong beses sa isang araw ay masaya na kami. Dito lang naman sa Maynila ang magastos e. Konting galaw mo, kelangan na ng pera. Hahaha Anyways, unti unti na rin akong natututo sa mga technology ng mga bagay na automatic dito sa Maynila.

Mabilis na rin akong gumamit ng computer, Oha! Di na ako nalulula sa harap ng monitor. Di na rin gaanong nag oover-heat ang utak ko sa mga komplikadong paliwanag. Woah. Hindi na ako simple minded. Grabe! Feeling ko ang talino ko na. Hahaha

6 months na kasi ang nakalipas nang makabalik kami ni Mama at Jinky galing sa mundo ng mga Medo. Actually, wala akong maalala sa mga nangyari sa paglalakbay namin or kung paano ako nakarating ng Medos. Ang naalala ko lang ay nakatulog ako sa itaas ng puno dun sa kakahuyan ng probinsya namin at yun! Paggising ko, e nasa Maynila na ako at dalawang bwan na pala ang nakakalipas mula nang makatulog ako sa puno. May mga naging kaibigan din pala ako sa loob ng dalawang bwan na yun, sina Iza, Hanna at Jinky na pare parehong hindi ko maalala.

Sorry naman.

Wala talaga akong maalala sa dalawang bwan na tinutukoy nila sa akin. Gayunpaman naging close ko pa rin silang tatlo. Paano ba naman, e 6 months na silang boarders sa bahay namin at madalas nila akong kwentuhan tungkol sa mga journey namin sa Institution nila hanggang sa pagpunta namin sa Japan.

The Half ENCHANTRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon