Book 2: Chap 23 FATHER AND SON

345 5 0
                                    

BIANCA'S POV

"HALIKA na Prinsesa." Sabi ni Enzo habang papalapit sa akin. Napalingon ako kina Alfred pero mukhang masama ang lagay nila ni Hector.

Nakakainis. If only i can use my magic and summon my fairies.

Nakalapit na siya sa akin nang biglang may pumagitnang tali sa harapan namin. Tila anchor na bumaon sa lupa.

At tumalsik si Enzo papalayo sa akin nang may sumipa sa mukha niya.

"Ayos ka lang ba, Bianca." Tanong sa akin ng may gawa nun.

"Le Anne?"

"Ikaw?" Nagtataka rin si Enzo. "Isa ka lamang hamak na tao." Komompas siyang muli para hanginin si Le Anne.

Sa payat ni Le Anne ay nahangin agad siya pero may ginawa siya para bumalik sa lupa. Ang tali ng anchor na bumaon sa lupa ay konektado sa taling nakapulupot sa belt niya. Dahil dun ay nakabalik siya sa lupa at tila may nilagay siyang bakal para malock ang sapatos niya sa lupa at di na liparing muli.

"Bianca, puntahan mo muna sila Kuya Hector."

"Ah - oh sige." nalang  ang naisagot ko saka tumakbo kina Hector. "Ayos lang kayo?"

"Umalis ka nga dyan" tinulak ni Alfred si Hector na nakadagan sa kanya.

Di na lang siya pinansin ni Hector. "Anong ginagawa ni Le Anne? Lalabanan niya si Enzo?"

Biglang naglabas si Le Anne nang latigo at pinulupot iyun sa braso ni Enzo. Saka niya ito hinila papalapit sa kanya..

Walang nakasagot sa tanong ni Hector. Natulala na lang kaming tatlo nang makita namin kung paano niya bugbugin si Enzo.

Di ako makapaniwala. Si Enzo na pinakamalakas na  alagad ng South Kingdom, bugbog sarado lang ni Le Anne. Hindi niya binigyan ng pagkakataon si Enzo na makabawi

"Ganun ba talaga kalakas si Le Anne?" Tanong ko sa dalawa.

"Well, may mga small fights kami dati." Tumayo si Alfred habang di pa rin natitinag sa panunuod sa kanila. "Compared now, her moves are sharper and... furious."

Iniahon ko si Hector. "Pagkakataon ko nang hanapin si Mikka."

Maya-maya'y biglang nakalayo si Enzo kay Le Anne.  Bigla akong hinila ni Hector sa likuran niya.

"Magbabayad ka sa ginawa mo saking bubwit ka." Dumura si Enzo sa gilid at animo'y susugurin niya si Le Anne.

"Talaga ba?" bigla syang binato ng kunay ni Le Anne.

Mabilis lang umiwas si Enzo. "Sino sa tingin mong pinapatamaan mo?" Asar pa niya.

"Siya." Sagot lang ni Le Anne sabay turo sa di kalayuan na lalaking kumuha kay Mikka kanina.

Nabitawan nito ang hawak niyang bola oras na tamaan siya ng kunay ni Le Anne.

Bago pa bumagsak ang bola sa lupa ay tila may sumalo nito.

Teka. Siya na ba yun? Ligtas siya. "Mikka."

"Eto ang medium niyo ng No-magic space diba?" May kinalikot si Mikka doon at sumenyas kay Le Anne. "Okay na."

"Thanks." Maiksing sagot ni Le Anne sa kanya sabay tutok ng palad niya sa direksyon namin.

Umihip ang malamig na hangin at pansin kong pawala na ang mga sugat ni Alfred at Hector.

"Healing magic." Nakangiting sabi ni Alfred. "Amazing isnt she, my girl?"

No doubt. She's amazing.

The Half ENCHANTRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon