BIANCA'S POV
"JINKY, nakikita mo pa ba ang kaluluwa ni Miss Sarah?" tanong ko sa kanya habang nakaupo sya sa walang malay na si Choey. Nandito kaming lahat sa hospital para tignan ang lagay ni Miss Sarah. Dinala na rin namin dito si Choey dahil hindi siya maiwan ni Jinky sa hotel.
Lumingon siya ng kaliwa't kanan. "Tita Sarah?" maya-maya'y napako ang tingin niya sa gilid ng kama nito. "Susuriin daw ni Bianca ang katawan niyo."
"Ano kayang sabi?"
Lumingon na sa akin si Jinky. "Pwede mo na raw suriin ang katawan niya."
Agad kong pinalitaw ang mga hologram monitor ko sa ibabaw ng kama ni Ms. Sarah at nagsimulang ioperate ang mga ito gamit ang Archive magic.
"Wow. Ang bilis ng kamay niyang magtype." rinig kong sabi ni Le Anne. "Nababasa mo ba lahat ng nasa monitor mo Bianca? Parang ang bilis ng litaw ng mga characters. Pang hacker."
"Pang matalino diba?" dugtong pa ni Alfred.
Unti unti nang lumalabas ang resulta. "Halos kalahati ng katawan niya ay lapnos dahil sa Magic of Fire ni Hector. Paano siya natamaan nito?"
Lumingon ako kay Francia at napabuntong hininga siya. "Pinuntahan namin nila Alfred at Choey ang kinaruroonan ni Hector."
"Bago pa kami makalapit sa kanya ay pinaulanan na niya kami ng kapangyarihan niya. " segunda ni Alfred.
"Nakaiwas kaming tatlo. Hindi namin alam na nakasunod pala si Sarah sa amin at di siya nakaiwas sa kapangyarihan ni Hector." patuloy ni Francia. "Hindi ko alam paanong hindi ko siya naramdaman.
"Ikaw ang nagturo sa akin paano itago ang presensya ko." napalingon kami kay Jinky. ". . .yun ang sabi ni Tita Sarah."
Ahh. Spokesperson nga pala sya ni Tita Sarah. Hayan na ang mga additional information ng magic ni Hector. "Ang napakawalang mahika ni Hector ay ang fire magic niya may halong Soul Sucking Magic. Malamang ito ang dahilan kaya humiwalay ang kaluluwa ni Tita Sarah sa kaluluwa niya."
"Paano siya nagkaroon ng ganoong magic, e Elemental ang magic niya diba?" natahimik ang lahat sa tanong na iyun ni Alfred.
Nagkatinginan si Le Anne at Francia. Mukhang alam nila ang dahilan at si Alfred na lang ang hindi. Haays.
"M-malamang, epekto iyun ng pagpasa ni Choey ng Dark Magic sa kanya."
"Alam kaya ni Kuya Hector ang nagawa niya kay Tita Sarah?" tanong ni Le Anne.
Umiling si Francia. "Hindi siguro dahil nakaalis na siya noon bago pa namin natagpuan si Sarah."
"Siguro kung malalaman ni Kuya Hector ang nangyari kay Tita Sarah, baka matulungan niya tayo."agad na sabi ni Le Anne. "Kailangan natin siyang makausap."
Inismidan siya ni Alfred. "Mapanganib ngang lumapit sa kanya."
"So wala tayong gagawin?" sagot pa ni Le Anne.
Geez. "Don't tell me mag aaway na naman kayo?"
"Umayos kayong dalawa." singit ni Jinky. "Pinaglaban niyo yan kay Bianca tapos mag aaway lang kayo."
Huminga ng malalim si Alfred. "Okay. I'll do it."
"HHAAA?" we said in unison.
"Ako nang kakausap sa kanya at wala nang ibang pwedeng makipagkita sa kanya." malakas na sabi ni Alfred sabay tingin kay Le Anne.
Parang masamang kutob pag si Alfred at Hector lang e. For sure, mag aaway lang din sila.
Sinimulan ko ang pag encode sa archive monitors. "Susubukan kong isearch kung mayroong Medo na nagtataglay ng Insertion magic. I will leave the monitors standby hanggang masearch nila ang mga may history ng Soul Sucking at Insertion Magic."
BINABASA MO ANG
The Half ENCHANTRESS
FantasyHow did Le Anne, a sassy girl with weird hobbies and a Human (Pure Human, I mean) became THE HALF ENCHANTRESS? Secrets and Mysteries are waiting as she search for her Long Lost Mother. This is a story of love, family, secrets, mysteries and how adve...