HECTOR'S POV
"LUTO NA ang isda." excited na sabi ko habang kinukuha ang mga isda niluto ko sa apoy ko. "Pasensya na wala tayong asin ha. Pagtyagaan mo na muna yan. Laman tyan din yan at makakatulong din yan na makabawi tayo ng lakas."
"Teka sandali." awat niya sa akin. Biglang may mga lumabas na fairy at pinalibutan ang mga pagkain namin. "Hayan may lasa na yan."
Tinikman ko ang isda at masarap nga. "Hmm. Ang sarap Bianca."
"Gaya ng sabi mo, makakatulong yan para makabawi tayo ng lakas.Kaya kuman ka ng marami." Sabi niya sa akin.
Ngayong kumakain kami di ko maiwasang maisip si Le Anne. "Kumain na kaya si Le Anne? Ano na kayang nangyari sa kanila?"
"Oo nga. Limang araw na ang lumipas. Hindi tayo nakapasok sa lagusan. Walang Sebastian, JayR, Le Anne o Alfred na nakakita sa atin. Sana okay lang silang lahat."
"Alam mo ikaw, Ang nega mo." sita ko sa kanya. "Para naalala ko lang si Le Anne ngayon, kung ano-ano na namang naiisip mo."
"Pasensya na. Ang dami lang kasing nangyari kaya napapraning ako. Mayroon din naman akong mga maling desisyon na naging dahilan din para magkahiwa-hiwalay tayo."
Napabuntong hininga ako. "Yan ka na naman sa pagse-self pity mo e. Magtiwala ka sa sarili mo. Isipin mo na lang, kung di dahil sa iyo hindi tayo makaka-alis sa balon na yun. Ako apat na araw na akong nag iisip kong pano tayo makakaalis dun. Tapos sa iyo, wala pang isang oras, may naisip ka na."
"Talaga bang may tiwala ka sa akin?"
"Ano bang klaseng tanong yan? Susunod ba kami sa iyo kung wala kaming tiwala sa judgement mo?" sagot ko.
Sa wakas ngumiti na siya ulit. "Salamat sa tiwala ha."
"HECTOR!" napalingon kami sa direksyon ng tumawag sa amin. "Ikaw na ba yan Hector?"
"Kilala mo sila Hector?" tanong sa akin ni Bianca.
BINABASA MO ANG
The Half ENCHANTRESS
FantasyHow did Le Anne, a sassy girl with weird hobbies and a Human (Pure Human, I mean) became THE HALF ENCHANTRESS? Secrets and Mysteries are waiting as she search for her Long Lost Mother. This is a story of love, family, secrets, mysteries and how adve...