ALFRED'S POV
"KARE-KARE!" sigaw ni Le Anne nang bigla siyang bumangon sa sofa.
Grabe.
Malakas talaga ang pang amoy niya sa luto ng Papa niya.
Dali dali siyang umupo sa hapag at tumabi sa akin na para bang di kami naglaban kanina.
"Mabuti naman at nagising ka na." Bati sa kanya ni Mang Leonard na kakalapag lang ng pagkain ni Le Anne sa mesa.
"Naamoy ko po ang Kare-Kare niyo e." Sinimulan niya ang pagkain.
Grabe siya, ang bilis niyang kumain parang mauunahan niya pa kaming matapos kumain.
Saan ba niya nilalagay ang mga kinakain niya? Di naman siya mataba.
"Hinay-hinay lang sa pagkain Lee. Parang di ka babae e." Awat ni Mang Leonard.
"Sila lang naman kaharap natin. Okay lang yan. Sanay na sila sa akin." Katwiran niya habang ngumunguya.
Napalingon ako sa buhok niya.
Mahaba pala ang buhok niya kapag hindi nakatali.
Madalas niya kasing bini-brades ang buhok niya. Ngayon ko lang napansin na may pagkakulot din ng bahagya ang buhok niya kapag nakalugay.
Mas mukha siyang babae kapag ganyan ang ayos ng buhok niya.
Bigla siyang napatingin sa akin.
Shoot nahuli niya akong nakatingin sa kanya.
"Bakit?"
Umiwas ako ng tingin. Isip ng palusot Alfred.
Come on.
"Pa-para kang di babae kapag kami kaharap mo. Pero kapag si Hector ang kaharap mo, Pabebe ka?" Basag ko sa kanya.
Dali dali niyang nilunok ang laman ng bibig niya. "Hindi ako Pabebe!"
"Panay kaya pagpapacute mo sa kanya!" Giit ko pa.
BINABASA MO ANG
The Half ENCHANTRESS
FantasyHow did Le Anne, a sassy girl with weird hobbies and a Human (Pure Human, I mean) became THE HALF ENCHANTRESS? Secrets and Mysteries are waiting as she search for her Long Lost Mother. This is a story of love, family, secrets, mysteries and how adve...