BIANCA'S POV
"NAKAKAIRITA" paulit ulit na bulong sa sarili habang pinagmamasdan ang kaartehan ni Hector.
Kapag nakikita ko si Le Anne na napapalingon sa kanya.
Nakita kong umiiwas siya ng tingin pero kapag di na nakatingin si Le Anne sumusulyap sulyap naman siya dito.
Pang apat na beses ko na kayang nahuhuling sumusulyap siya kay Le Anne.
Infairness naman daw kay Le Anne, nag-give way siya para makapartner ko si Alfred.
Hindi pala siya threat gaya ng iniisip ko.
Si Alfred ang dapat kong problemahin at hindi si Le Anne.
"Madaya si Jinky!" sigaw ni Le Anne. "May kakampi siyang multo. Siguradong binubulungan yan ng multo."
Naglalaro kami ng Pinoy Henyo.
Ito na ang ikatlong laro sa Parlor Games.
Sa grupo namin ni Alfred, siya ang nanghula at ako tagasagot ng Oo o Hindi.
Palibhasa, hindi siya nagtatahi, hindi niya nahulaan ang pinapahula sa aming ang word na 'karayom'.
Samantalang sina Le Anne naman ay nakasagot din, pero 1 minute and 30 seconds nang makasagot siya, habang si Jinky ay nakasagot sa loob ng 30 seconds.
Kaya hayan, pinagbibintangan niya si Jinky na tinulungan daw ito ng mga Ghost friends niya.
BINABASA MO ANG
The Half ENCHANTRESS
FantasyHow did Le Anne, a sassy girl with weird hobbies and a Human (Pure Human, I mean) became THE HALF ENCHANTRESS? Secrets and Mysteries are waiting as she search for her Long Lost Mother. This is a story of love, family, secrets, mysteries and how adve...