Chap 43: TO THE PORTAL

894 30 0
                                    

HECTOR'S POV

"NASAAN na si Chi-Chi?" tanong ni Bianca sa amin nang matapos patumbahin ang tatlong Human size na Alligator na nagpanggap na Le Anne, Alfred at Wendy.



"Nakapako ang tingin ko sa Prinsesa." sagot ni JayR. "Hindi ko na napansin ang bihag."




"Hindi ko rin napansin ang pagkawala niya." segunda ni Basteh. "Kani-kanina lang ay nasa likuran siya ni Princess Bianca."



Biglang bumagsak ang malakas na ulan at pumasok kaming lahat sa kweba.



"Mukhang nag alala si Chi-Chi kay Wendy kaya hinanap na niya ito." hula ko. "Kailangan na ring hanapin sina Le Anne at Alfred."


Naglabas si Sebastian ng tila mga nips candy. "Nabigyan ko sila ng ganito kanina. Pag nakakain ka ng candy na yan, pwede tayong makapag usap sa pamamagitan ng isip lamang. 2 kilometer radius, 12 hours effective. Nabigyan ko in niyan sina Alfred at Le Anne kanina."



Kinain namin iyun ni Bianca at tinesting. "Maririnig kaya nila tayo?" tanong ni Bianca ng hindi



"Aba gumagana nga." Na-amaze naman ako.




"Susubukan kong tawagin sina Master Alfred." sabi ni Sebastian. "Master Alfred. Le Anne. Naririnig niyo ba ako?"




Wala kaming narinig na sagot. Bagay na pinangamba namin. "Lee? Lee? Si Hector to."



Wala pa ring sumasagot at bigla na lang napa-upo si Bianca. "Kasalanan ko ito.." mangiyak ngiyak na sabi niya. "Hindi ko sila dapat hinayaan mapahiwalay sa atin. Nagkamali ako ng desisyon. Pasensya na."



"Ano ka ba, Bianca. Walang mali sa desisyon mo kaya wag mong sisihin ang sarili mo. Malaki lang ang tiwala mo sa kanila na kaya nila ang halaman na iyun. Ibig sabihin, napakabuti mo para isipin ang kapakanan ng mga taong nadadamay sa paglakas ng Demonic Aura."



"Pero ng dahil sa akin, nagkahiwa-hiwalay tayo. Ilang oras na lang magsasara na ang lagusan. Paano kung di natin makita si Alfred at Le Anne."



"Magpakatatag ka Prinsesa." suporta ni JayR.



"Mahahanap din natin sila." singit ni Sebastian.



Hindi ito maganda. Nawawala na naman sa kondisyon si Bianca. Sa aming dalawa, mas maganda ang mga palano niya sa akin pag malinaw ang isip niya. Pero ngayon, mukhang kailangan ko munang manguna. Pero susunod kaya sa akin ang dalawang Medo na ito?

The Half ENCHANTRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon