Chap 18: AGREEMENT

1.3K 45 2
                                    

LE ANNE'S POV


~~~FLASHBACK CONTINUATION. . . . ~~~


"HINDI MO NAMAN kailangang magbayad." sabi ni Papa kay Alfred. Nag uusap sila sa sala. Habang ako naman ay naka abang na sa pagkain dito sa kusina. "Mukhang magkasundo naman kayo ni Le Anne. Kaya alam kong di ka masamang tao. Ayos lang na tumuloy ka dito sa amin. Hindi mo kailangang magbayad."



Anong sabi ni Papa?



Magkasundo?



Kami?



Hindi kaya.


Kung alam niya lang. Wala lang akong choice.



Napilitan lang talaga ako. (=__=)



"I insist. Iniligtas niya ako kanina at binigyan niya ako ng matutuluyan habang hinihintay ang mga kasama ko. This how i show my gratitude." inabot muli ang sobre kay Papa. Feeling ko, yayamanin tong si Alfred.



Yung tipong Amo ng maraming jolalay? Bossy e.



"Lee?" tawag sa akin ni Papa. Mukhang kahit si Papa, hindi na alam ang gagawin sa lalaking ito. "Ano sa tingin mo?"



Lumapit ako sa kanila.



Buti naman at may humingi rin ng opniyon ko.



"Gusto kong maging malinaw sa iyo ang lahat Mr. Alfred Pol' Coronas. Habang nandito ka sa pamamahay namin, hindi ka pwedeng umasta na parang senyorito dito, naiintindihan mo? Kanina pa ako napepreskohan sa iyo e alam mo ba yun--" Bigla akong binatukan ni Papa.



"Aray."



"Hwag ka ngang ganyan sa bisita natin." sabi niya sa akin habang pinanlalakihan ako ng mata.



Tapos nakangiti siyang bumaling kay Alfred. "Pagpasensyahan mo na tong anak ko. Ngayon lang kasi kami ulit nagkabisita dito e. Hwag mo siyang intindihin, isipin mo na lang bahay mo rin ito."



Bakit kung makapagsalita siya, parang close sila at parang hindi ako nagdala sa kanya dito ha? "Ayos lang Mang Leonard." saka napatingin sa akin si Alfred as if he laughs at me.

The Half ENCHANTRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon