Book 2 - Chap 17 : BLAME ON ME

509 15 5
                                    


LE ANNE'S POV

"PAPASUKIN niyo ko." Pagpupumilit ni Alfred na pumasok sa silid kung nasaan si Jinky. Habang palabas naman na ang mga Doctor. "Sandali. Saan kayo pupunta? Asikasuhin niyo ang Ate ko."

Gusto ko syang awatin. Gusto ko siyang pakalmahin pero kahit ako ay natataranta na rin.

"I'm sorry. Ginawa na po namin ang lahat." Biglang sabi ng Doctor.

Tumakbo si Alfred kay Jinky at inalog ito. "Ate. Gumising ka na. Gusto mo bayaran kita para itigil mo na ang kalokohan mo?"

Napatakbo rin ako kay Jinky. Ano yung sinabi nila? Ginawa nila ang lahat? Kalokohan.

"Oo nga." Para na akong maiiyak. "Di ba gustong gusto mong magpabayad pag gagawan mo ako ng pabor. Sige naman na Jinky. Gumising ka na please."

Inaalog pa rin siya ni Alfred. "Oi! Mangkukulam. Di ka magaling sa mga ganitong joke diba. Gumising ka sabi!  Gumising ka na!"

"Hindi ito totoo diba?" Hakbang ni Choey papasok sa silid. "Oi Mangkukulam."

Napatitig ako kay Choey.

Naalala ko ang nangyari kanina.

Habang naghihintay kami sa labas ng silid, biglang bumungad sa akin ang mga ala ala na malamang ay pagmamay ari ni Choey.

Hindi ko pinahalata kay Alfred pero alam kong nagtagumpay si Kuya Hector na tanggalin ang Demonic Aura niya.

Ano ang Dark side niya? Yung naging natural na lang sa kanya ang pagpatay.

Pero nang iligtas siya ni Jinky sa kagubatan. Minsan nyang narinig ang sinabi nito.

"Di ko alam ang dahilan bakit ka pumapatay, pero di ko kailangan ng dahilan para iligtas ka."

Mula noon ay pinagsisihan na niya ang nagawa nyang pagpatay at nangakong di na papatay ng kahit sino alang alang kay Jinky.

Niyakap ko sya. "Choey. Si Jinky--"

Biglang nagpatay sindi ang ilaw at humangin ng malakas.

Biglang nagpatay sindi ang ilaw at humangin ng malakas.

Sa isang iglap, lumitaw ang dalawang lalaki sa harapan namin.

Ang isang lalaki ay normal lang ang pananamit. Parang gaya lang sa amin. Pero ang isa ay mukhang galing costume party na nakasuot ng mahabang robe na pang snow.

"Master Alfred?" Tawag ng normal na lalaki.

Napatayo si Alfred at napako sa dalawa ang paningin. "B-Basteh? Anong ginagawa niyo dito?"

Basteh? Parang narinig ko ang pangalang yun sa kwento ni Papa.

"Nasaan na ang kapatid mo Alfred?" Tanong ng weirdong lalaki.

"Anong ginagawa niyo dito, Amang Hari?"

A- ano? Ito ang Ama ni Alfred? Ang kanyang Ama na Hari ng North Medos?

FRANCIA'S POV

"SAAN ka pupunta?" Nakapamaywang kong tanong habang nakaharang sa dadaanan niya palabas ng hospital. "Tatakas ka Jr?"

"Paumanhin. Pero kailangan ko nang umalis." Mahinang sabi niya at nagpatuloy sa paglakad.

"Matapos ng ginawa mo kay Jinky--"

"Bilang kabayaran sa nagawa ko, pipigilan ko ang grupo nila Enzo na makalapit sa mga Royal warriors."

Hinawakan ko ang braso niya. "Sandali. Ano ba ang plano ng South Kingdom?"

The Half ENCHANTRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon