Chap 48: MY DECISION

832 23 0
                                    

LE ANNE'S POV

"KUNG may kunwaring Kasal. Syempre meron ding Honeymoon." yun ang huli naming narinig kay Bianca and that's it. Nakakulong na kami sa malaking kwarto na ito.

Matapos ng kunwa-kunwariang kasal ay kinulong kami ni Alfred sa isang malaking silid. Syempre kagagawan na naman ito ni Bianca.

Oh no big deal. Pangatlong beses nang ginawa sa akin to Bianca. Una, sa amin ni Kuya Hector. Kinulong niya kami sa silid niya para magkabati kami ni Kuya. Pangalawa, sa amin ni Alfred sa train, pinag ayos niya rin kami. Tapos ngayon, kunwaring honeymoon? As if gagawin naman namin yun?

"What now?" tanong sa akin ni Alfred.

Wait a minute Kapeng mainit.

Hala, di kaya may balak nga sa akin tong mokong na to?

Light Bulb!

Matesting ng ang pagkagentleman niya. hahahah I mean, kung aakitin ko kaya siya, bibigay kaya siya?

Wait. Akitin? Mayroon ba ako nun? Paano ko naman siya aakitin e flatchsted nga ako.

Hmm bahala na. Basta I will test him.

Nagkipit balikat lang sa tanong niya then I wear that naughty smile.

"WOAH Ang init! Pinagpapawisan ako."

Mukhang affected nga siya.

"Edi maghubad ka." Prenteng sabi ko habang hinuhubad ang sapatos ko at umupo sa kama.

Maghuhubad ba ako ng gown? E bakit ko ba gagawin yun? Pero paano ko ba siya aasarin ng hindi naghuhubad?

Nakita ko ang mga pamalit na damit sa kama. Okay. May naisip na akong palusot.

"Sabihin mo lang kung naiilang ka." Rinig kong sabi niya nang makapaghubad siya ng pangtaas gaya ng lagi niyang ginagawa.

"Nope, medyo sanay na ako." Sinusubukan kong abutin ang zipper ng dress ko sa likuran pero di ko maabot.

Lumingon ako sa kanya. "Pakitanggal naman oh." Mahinhin na sabi ko.

Naramdaman ko na lang na yumakap siya mula sa likuran at hinawakan paangat ang gown ko para hindi ako mahubaran.

Rinig ko malalim na paghinga niya. "Please don't seduce me."

"Hm?" - the maang mangan one.

"Alam kong bastos akong kausap at di gumagalang sa iba pero, nirerespeto kita at si Mang Leonard." Nagulat ako sa pagkagentleman . Hindi ko akalaing may mga lalaki pa palang gaya niya. Bastos sa panlabas pero siya ang totoong gentleman. Hindi nagtitake advantage sa iba.

Kung tutuusin ay jackpot na siya kay Bianca pero hindi niya iyun sinamantala. "I don't want to offend you but I don't want to do this. Hanggat di pa tayo totoong nakakasal, ayokong gawin to."

He's here. We are about to sleep together but he had the guts to said that he will not do it.

Okay. He passed. He's a real getleman alright. Di nga lang halata. Heheh

So palusot time na.

"Are you stupid?" biglang bara ko sa kanya. Humarap ako sa kanya with matching taas ng kilay. "Nangangati ako sa suot ko kaya gusto kong magpalit ng damit. E sa hindi ko abot yung zipper e."

"A eh, ganun ba?" napakamot na lang siya ng ulo.

"Don't tell me, naseseduce ka nga sa flat chested na gaya ko?"

Matagal siyang di nakasagot at bigla na lang umiwas ng tingin. "Magpalit ka na nga lang ng damit. Kung ano ano pang iniisip mo." Ibinaba ko na ang zipper ng dress niya sa likuran.

The Half ENCHANTRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon