Book 2 Chap 11: JUST ADMIT IT

752 19 5
                                    

ALFRED'S POV

"LE ANNE!" sigaw ko nang makarating ako ng hotel na tinutuluyan nila. "Le Anne!" Pagpasok ko ng sala ay nakita ko sina Jinky, Choey at Francia.

"Alfred?" tanong ni Choey sakin. "Si Alfred ka ba talaga?"

Tinignan ko siya ng masama. "Anong klaseng tanong yan?"

Nagulat nalang ako ng batukan ako ni Jinky. "Anong nangyari sa iyo? Bakit biglang nawala ang coverage? Bakit nandito ka?"

"Anong bakit nandito ako?" napakamot ko. "Ay malamang edi tumakas ako kay Bianca. Teka. Asan si Le Anne?"

"Bianca just took her." Jinky said.

"Naunahan ka lang niya ng ilang minuto." Choey said.

Parang sumakit ang ulo ko. Nagpakahirap pa akong tumakas tapos kukunin din pala siya ni Bianca. "Damn it."

"Ano bang nangyari nang mawala ang surveilance?" tanong ni Francia.

"Hanggang saan ba ang napanood niyo?" tanong ko.

"Pumasok si Bianca sa kwarto niya at napalingon siya sa isa sa mga camera at bigla na lang nagblackout ang nga camera." salaysay ni Jinky.

"Well, pupunta na sana ako dito nang harangan ako ng dark fairy ni Bianca. Medyo tumagal din ang laban namin. Di ko alam na pinuntahan na siya ni Bianca habang nakikipaglaban sa akin ang fairy niya."

"Ano kayang plano ni Bianca kay Le Anne?" tanong ni Choey.

"I can sense evil in her. Tuluyan na siyang kinain ng Dark Magic." sabi ni Jinky. "Ayoko kayong pakabahin but she's in danger."

"Damn it. I need to find her!" hampas ko sa poste.

"Alfred." tawag sa akin ni Francia. "Yung kwentas ni Le Anne. Suot niya yun hanggang kunin siya ni Bianca."

Napalingon ako sa kwentas ko. Tama. "May transmitter nga ang kwentas niya. Tara hanapin na natin siya!"

"Ihahatid ko lang si Annie sa kay Leonard." sabi ni Francia. "Choey, keep me posted."

"No problem." maagap na sagot nito.

LE ANNE'S POV

'AMOY ng basang kahoy

at ang lansa dagat. . .

Malamig na hangin na dumadampi sa katawan ko.

Ang ginaw.'
.
.
.
Unti unti kong namulat ang mata ko. "Nasaan ako?"

Napalingon ako sa paligid at mukhang nasa maliit na cottage sa tabing bangin ng dagat.

Bangin sa kakahuyan papuntang dagat. Malamang walang kabahayan dito.

Teka.

Bakit nakatali ang mga kamay ko sa kahoy na biga?

Wait.

Naalala ko na. Lumapit ako kay Alfred kanina sa hotel. Nang makita siya nila Jinky, biglang naging si Bianca ang kasama ko then. . . .

Ibig sabihin, nagpanggap si Bianca bilang Alfred at nilayo ako kina Jinky?

"Itigil mo na to."

boses ni Bianca yun ha. Hinanap ko kung nasan siya. Natanaw ko siya sa isang bato sa di kalayuan sa cottage.

Medyo malapit lang at naririnig ko pa ang boses niya.

"Kaibigan ko si Le Anne. Bakit mo ito ginagawa sa kanya?"

The Half ENCHANTRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon