Chap 16: BUS-JACK

1.5K 50 3
                                    


LE ANNE'S POV

THREE (3) WEEKS LATER . . .

"TATLONG LINGGO mo nang pinapanood yan ha." sita sa akin ni Papa habang pinapatay ang TV sa sala. 


Nakaupo kasi ako sa sofa habang pinapanood ang videoclip na sinend sa akin ni Alfred. "Hwag mong bubuksan ang TV kung hindi ka naman manonood."





"Ah-e. Sorry po." napakamot tuloy ako sa ulo.



"Pang ilang beses mo na bang pinapanood yang video ni Alfred?" pang ilang beses na nga ba? Di ko na rin mabilang.



Mula nang umalis sila, palagi ko na lang pinapanod ang video na ito kapag wala akong ginagawa.


Hindi ko rin alam kung bakit pero parang kasama ko si Alfred kapag pinapanood ko ang video na ito. 



"Namimis mo ba siya?"



Namimis?



Ganun ba talaga yun?



"Siguro. Ganun na nga. Nasanay na kasi akong makipag away kay Alfred pag uwi ko ng bahay. Tapos aawatin kami ni Basteh. Hayy Ano na kayang nangyari sa kanila? Nahanap na kaya nila si Mama?" Bumaling ako kay Papa. "Ikaw Papa, di mo ba sila namimis?"




"Medyo. Pero tatlong linggo na kayang nakalipas. May bagong buhay na tayo. Hindi tayo dapat mastuck sa mga wala dito. Kaya kung ako sa iyo, magconcentrate ka sa trabaho mo."




Geezz.




Nagsumbong siguro sina Jinky sa kanya "Balita ko, nahihirapan ka raw sa trabaho mo."



Sabi ko na nga ba.



Nang makarating kasi kami dito sa Maynila, ay may naghihintay na ngang trabaho at training na naghihintay na gaya ng sabi ni Kuya Hector.


Si Papa ay pinagtrabaho bilang assistant chef sa isang Hotel dito sa Maynila.


Habang kami naman nila Jinky, Iza at Hanna ay pinapasa ilalalim pa sa isang bwan na training para maging staff ng isang advertising agency.


The Half ENCHANTRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon