Book 2 Chap 21 : MYSTERIOUS DOCTOR

392 9 2
                                    

[[[ SOUTH KINGDOM PALACE...

CHOEY'S POV

"HWAG kang malikot." Saway ng Doktor sa isa sa mga sundalo na kasama namin. "Lalagyan ko lang ng gamot tong sugat mo."

Nagkahiwalay kami ni Hector sa gate ng palasyo ng South Kingdom kanina. Si Alfred lang daw ang pwedeng pumasok sa bulwagan. Kaya heto. Tagapag-bantay nalang ako ng mga sugatan naming kasama dito sa Palace Infirmary.

Habang si Hector na nagpapanggap bilang Alfred, ay hayun... malamang nasa bulwagan na sya ng mga ganitong oras.

Ayos lang naman. Atleast may panahon akong maglakad lakad sa palasyong ito.

Nakakamiss din kase.

Dito ako lumaki. At namatay ng unang beses. Nang dahil sa mistress ng aking Ama, namatay ang aking Ina at ngayon, alam kaya nilang nabuhay ako ulit? Ano na kaya ang lagay ng aking Amang Hari?

"Oh patingin naman ng kanang braso mo." Hinila ng Doktor ang braso ng isang sundalo at nakita ang tatak ng white tiger sa balikat nito. Tanda ng West Kingdom.

Siguradong may ideya na ang doktor na itong mga espiya kami.

Naka-abang na ang kutsilyo ko. Animoy handang patahimikin ang Doktor na ito.

Pero ngumiti siyang nilingon ang kutsilyong hawak ko. "Hwag kayong mag alala. Wala akong pakialam kung saang kaharian man kayo galing. Basta't ang tungkulin ko bilang Doktor ay pagalingin ang mga sugatan at may sakit."

"Ganun ba?" Tinago kong muli ang kutsilyo.

Pinagmamasdan ko siyang gamutin ang mga sugatang sundalo. Mukhang mahusay siyang Doktor.

Naalala ko tuloy ang akin Ina. Ang kwento sa akin ng aking Ama ay dati daw Doktora ang aking Ina bago pa niya ito gawing kanyang Reyna.

Tinapos niya ang pag gamot sa sundalo. "Ayos ka na." Saka sya bumaling sa akin. "May pakiusap ako sa inyo."

Pakiusap? "Ano yun?"

"Wala na sanang buhay ang masayang nang dahil sa Babaeng yun."

"Babae?" Ang Reyna ba nila ang tinutukoy nila?

"Hindi manlalaban ang South Kingdom. Sisiguraduhin ko yan." napakamot siya ng ulo. "Ang ibig kong sabihin, wag niyo sanang saktan ang Aming Hari. Mapigilan niyo lang ang Babaeng yun ay sapat na para magkaroon ng katahimikan dito sa South Kingdom."

Bakit? "Bakit kung makapag salita ka, parang sigurado kang di manlalaban ang hukbo ng South Kingdom?"

Umiwas siya ng tingin. "Nang umalis ang babaeng yun at ilang bwan siyang wala sa palasyo, gumawa ako ng paraan para bumalik ang loyalty ng palasyo sa Mahal na Hari."

"Aanhin mo ang loyalty nila sa Hari, kung sinasamba naman ng Hari ang Mistress niya?"

"Natanggal ko na rin ang pagka gayuma nila sa Mahal na Hari. Akala nila'y gayuma ang binibigay ko sa Hari pero ang totoo, araw araw ko syang binibigyan ng pangontra sa pang gagayuma nila."

"Ibig mong sabihin ay bumalik na ang Ama- ay este ang inyong Hari sa dati...?"

Tumango siya. "Ang totoo niyan, kahit di pa kayo dumating ngayon, plano na naming pabagsakin ang Babaeng yun ngayong linggo."

"Anong sabi mo?"

"Hindi niya iniiisip ang mamamayan ng South Kingdom. Sa ginagawa niya ay tumitindi na ang init sa desyerto. Wala kaming mapagkunan ng pananim. Sinakop nila ang ilang bahagi ng East Kingdom ngunit hindi rin kagandahan ang lupain nila kaya nagkakaroon ng Tag gutom ang kaharian."

The Half ENCHANTRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon