Chap 55: FEELINGS FOR HECTOR

884 27 0
                                    

LE ANNE'S POV

"WHERE do you think you're going?" Napatalon pa ako sa gulat nang dumating si Pol sa silid ko. E kakasuot ko lang ng jacket at bagpack.

Obviously aalis nga ako. Pero "Ano naman sa iyo kung aalis ako?"

"Tatakas ka?" Humarang siya sa pintuan.

"Bakit? Preso ba ako dito?" Lalabas sana ako ng pintuan ngunit humarang pa siya lalo.

"Hindi ka nga preso dito sa palasyo. Pero bakit ka tatakas? Lalayo ka kasi nasaktan ka?"

Biglang uminit ang ulo ko. "Wala ako sa mood para makipag asaran sayo okay? Kaya kung ayaw mong mapagbuntunan ng galit ko, Get out of my way."

"Nope." confident na sabi niya. "Sa tingin mo masisindak ako ng Bansot na gaya mo?"

"Hindi ka na nakakatuwa!" Bigla siyang natigilan sa sigaw ko.

Maging ako'y nagulat sa bigla kong pagsigaw.

"I know." He suddenly become serious. "Alam kong di ako nakakatuwa dahil wala akong wala akong sense of humor. Kaya pagpasensyahan mo na kung wala akong magawa para gumaan ang pakiramdam mo."

Kainis. Kainis. Kainis. Bakit ba kailangan niyang i-emphasize na nasasaktan ako? Binanale wala ko na nga lang ang pangrereject sa akin ni Kuya Hector e. "Ano bang pakialam mo kung binasted ako?" napaupo ako sa kama.

Sinara naman niya ang pinto at umupo sa sofa. "Sige na. Umiyak ka na. Wala nang makakakita sa iyo. Umiyak ka hanggang gusto mo, di kita pipigilan. At hindi rin kita yayakapin kung yan ang iniisip mo. Papanoorin at pakikinggan lang kita."

Napatingin ako sa kanya at mukhang seryoso siya. "Gusto mo akong umiyak para gumaan ang pakiramdam ko?"

"Well yun ang sabi sa mga libro. Dapat ilabas mo lahat ng dinadamdam mo. Iiyak mo kung kinakailangan, hindi ba?"

Nakakainis. Di ko na maiwasang umiyak. Naalala ko yung mga panahong nagkakilala kami ni Kuya Hector.

~~~FLASHBACK 12 yrs ago ~~~

"KAILAN po kayo aalis Tita?" tanong ko kay Tita Sarah na nagsasanay ng kanyang pag-eespada. Espadang kahoy. 

Napalingon siya sa akin sandali. "Bakit? Gusto mo na ba akong umalis Bulilit?"

"Natanong ko lang naman po." Gusto ko sanang ikwento sa kanya ang napansin ko noong nakaraang linggo pero baka hindi siya maniwala e. "Uhm ano po. Magpapaturo sana ako sa inyo nang ginagawa niyo e."

"Masyado ka pang bata. Isa pa, baka awayin ako ng Papa mo, kapag tinuruan kita ng mga ganito."

"Edi secret lang po natin." pangungulet ko sa kanya.

"Eh basta hindi pwede." napalingon siya sa bandang kakahuyan. Narinig naming may mga sumisigaw doon kaya pinuntahan namin.

"HECTOR!" nakita namin si Aling Glenda, kasama ang isang Ale. "Hector! Nasaan ka?"

"Glenda, anong nangyayari?" tanong ni Tita Sarah sa kanila.

"Nawawala ang anak ng bisita ko." napalingon si Aling Glenda sandali sa kaibigan niya. "Siya si Thorie. Kasama niyang bumisita sa akin ang anak niyang si Hector. Pero sa pag uusap namin, hindi namin namalayan kung saan siya pumunta."

"Pakiusap, tulungan niyo ako. Mga nasa 9 na taong gulang na batang lalaki. May sakit si Hector. Bigla siyang nawawalan ng malay kung saan. Pakiusap tulungan niyo akong hanapin siya." pakiusap ni Aling Thorie.

"Hwag kayong mag alala. Tutulong ako." sagot ni Tita Sarah. Bumaling siya sa akin. "Le Anne, puntahan mo ang Papa mo sa bukid at sabihan ang iba pa na hanapin ang batang lalaki na nawawala."

The Half ENCHANTRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon