Book 2 Chap 10: ENVY

757 15 2
                                    

JINKY'S POV

"HALAA!!!" biglang sigaw ni Le Anne saka siya napahinto sa pangkakaladkad sa akin sa buhanginan ng beach.

Nakita ko silang magka usap ni Alfred sa backstage. Nang makita niya ako, biglang nagmamadali siyang umuwi. Kinuha ang braso ko at halos makaladkad na niya ako sa pagmamadaling umalis ng backstage.

Ngayong nakaalis na kami sa backstage bigla siyang ganito.

"Bakit? May nakalimutan ka?" tanong ko.

"Nakalimutan kong batiin si Bianca." binitawan niya ang braso ko.

"Hwag na--"

Tumakbo na siya pabalik ng backstage.

Sinundan ko siya. Pero bigla siyang nahinto sa pagtakbo.

Nakatayo lang siya doon. Lalapitan ko sana siya nang bigla siyang naglakad palayo. Hindi niya rin yata ako nakita. Kasi sa kabilang direksyon siya naglakad papuntang hiway.

Napatingin ako sa direksyon kung saan siya nakatingin kanina bago siya umalis.

Nakita ko si Bianca na kahalikan si Alfred.

So kaya pala umalis yung isa.

Hayss this is trouble.

Biglang tinulak ni Alfred si Bianca. "What are you doing?" namunas siya ng labi.

"I won the competition. You're mine now." sabi ni Bianca at akmang aakap pa kay Alfred.

Hinawakan ni Alfred ang mga braso nito para hindi yunakap sa kanya. "Di ako pwedeng mapa-sa iyo nang dahil lang sa competition na to. Sasamahan lang kita. That's all."

Biglang napalingon si Bianca sa direction ko. At parang gulat na gulat siya.

Malamang pinagtaka ni Alfred ang reaction ni Bianca at napalingon din siya sa akin. "Ate Jinky?"

Nagpumiglas si Bianca sa pagkakahawak niya. "Meet me in my room." sabi niya kay Alfred saka siya nagmamadaling umalis.

Oh... Parang nababasa ako ang aura nang isang yun.

"Anong nangyari dun?" tanong ni Alfred habang papalapit sa akin.

"Nakikipaglaban ang totoong Bianca sa Dark side niya. Yung dark side niya, parang umiiwas sa akin. Siguro, ayaw ipakita ang aura niya."

"Ganun pala. Teka. Di ba kasama mong umalis si Lee kanina?"

"Yeah. Bumalik siya dito pero naabutan niya kayo ni Bianca." nag sign ako ng nagtutukaan. "You flirt, idiot Goliath."

"Si Bianca ang sumunggab sakin. Geez. Nakita nya talaga?" gulat na tanong niya. "Shoot. kailangan ko siyang makausap."

"Sandali." hinawakan ko ang braso niya. "Saka mo na intindihan yan. Gusto kong i-take advantage na umalis si Bianca."

"Hah?"

"Kung tama ang assessment ko sa situation ni Bianca, malaki ang posibilidad na malabanan natin ang dark side niya."

"Paano?"

"Hindi pa ako sigurado kaya sabi ni Choey kailangan muna naming konsultahin si Francia ang tungkol dito. At the same time, please make a way para ma-under surveilance ka namin." Inabot ko sa kanya ang malilit na spy cam.

Kinuha niya rin ang mga to. "Kukuha na rin ako ng information tungkol kay Hector."

"We dont know kung anong kayang gawin ng Dark side niya. Papapuntahin ko si Francia para tulungan ka kung sakaling may mangyari. Mag iingat ka."

The Half ENCHANTRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon